top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Babu na bilang aktres? ISABEL, FLIGHT ATTENDANT SA CEBU PACIFIC, PINAGKAGULUHAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 5, 2024
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 5, 2024



Showbiz Photo

Marami ang nagulat nang kumalat sa social media ang larawan ni Isabelle Daza na nakasuot ng uniporme ng flight attendant at nagse-serve sa mga pasahero ng Cebu Pacific na biyaheng Davao.


Kaya ang tanong ng marami ay nagbago na ba ang propesyon ng dating ‘It Girl’ na si Isabelle? Papaano siya naging flight attendant? 


Tuwang-tuwa naman na nagpa-picture sa aktres na anak ni Gloria Diaz ang mga kasamang flight attendants at mga piloto ng Cebu Pacific. Marami rin ang nag-comment na bagay kay Isabelle Daza ang maging stewardess. 


Gayunpaman, may mga nagsasabing baka bahagi lang ng promo ng Cebu Pacific kaya’t nakita ang aktres sa propesyon na iyon. Posible raw na kinukuhang endorser si Isabelle upang makaengganyo ng mas maraming pasahero.


Well, maganda naman ang kinikita ng mga flight attendants pero iba pa rin ang glamorosong buhay ng mga celebrities at hindi naman ipagpapalit ni Isabelle Daza ang pagiging full time mom sa pagiging flight steward.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page