- BULGAR
Babu muna sa showbiz… GOMA, JOLO, ARJO AT SANDRO MARCOS, NAG-SEMINAR BILANG FIRST TIME CONG.
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | July 7, 2022

Seryoso at kinakarir nang husto ni Richard Gomez ang kanyang pagiging congressman, kaya sumama sa seminar para sa mga first time congressmen at dito ay nakasama niya si Sandro Marcos, anak ni P-BBM. Nahalal na congressman si Sandro sa first district ng Ilocos Norte.
Maging sina Jolo Revilla at Arjo Atayde ay mga first timer din bilang congressman. Kaya tiyak na join din sila sa nasabing workshop-seminar ng Congress.
Ibang-iba na ngayon ang mundo ni Goma. Lahat ay gusto niyang pag-aralan upang maging mabuting public servant. Hindi na sa showbiz ibinubuhos ni Goma ang kanyang panahon. Gusto niyang lumawak ang kanyang kaalaman upang makapaglingkod sa kanyang mga kababayan sa Ormoc.
Ang layu-layo na ng narating ng isang Richard Gomez kumpara sa ilang aktor na nakasabayan niya noon.
At ngayong isa na siyang ganap na congressman, hindi na muna siya tatanggap ng anumang project sa showbiz. Prayoridad niya ang pagiging public servant dahil marami ang nag-aabang sa kanyang mga gagawin bilang mambabatas.