Babu kay Wil kahit matagal naging BF… ALODIA, SA FEB. 14, 2023 ANG KASAL
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 6, 2022

Nakatsikahan namin si Alodia Gosiengfiao at natanong namin kung kelan ang kanilang wedding date ng fiancé niyang si Christopher Quimbo.
Aniya, "Sa February 14, 2023."
Gaganapin ang kanilang kasal sa Marriott Hotel.
Dugtong pa niya, "The ceremony will be in one of the halls at Marriott."
Parehong busy sa paghahanda ng kanilang kasal ang dalawang personalidad.
"The date is next year, Valentine's Day, so we're excited."
We aĺso asked Alodia about her ex-BF na si Wil Dasovich.
Ano nga ba ang nangyari at bigla silang nagkahiwalay gayung ang tagal ng kanilang relasyon na ang akala ng marami ay mapupunta na sa kasalan dahil nagpagawa pa sila ng bahay?
Sagot ng cosplayer/Dota gamer, "Nagkaroon naman kami ng amicable settlement."
Pero sa ngayon daw ay hindi na sila nagkakausap.
"We're civil to each other, ganu'n na lang."
"For some, it takes a lifetime to find true love. But for the lucky ones, a lifetime is merely enough to share the love they’ve found, true love," ani Alodia sa nararamdaman niya para sa non-showbiz boyfriend.
"I guess I couldn’t imagine a life without him. Everything’s just falling into place na parang hindi siya pilit. Hindi nira-rush or something, parang napakaganda lang. It’s very pure," dagdag pang sabi nito.
Samantala, ang isa sa mga witness na showbiz personalities sa kasal ni Alodia ay ang relative niyang si Ehra Madrigal.





Comments