top of page
BIDA - UNVEILING NG WAX FIGURE NI KATHRYN, SA ‘PINAS GAGAWIN-FB Circulated.jpg

Babu kay Bianca… SEN. WIN, KINILIG NA MAY WINRI LOVE TEAM SILA NI SEN. RISA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 days ago
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | June 21, 2026



BULGARY - SEN. WIN, KINILIG NA MAY WINRI LOVE TEAM SILA NI SEN. RISA_Senate of the Philippines

Photo: Senate of the Philippines



Todo-react si Sen. Win Gatchalian sa mensahe ng ex-girlfriend na si Bianca Manalo na proud siya sa dating karelasyon sa pagkakahirang nito bilang bagong Senate President.


Kung matatandaan, noong unang bahagi ng taong ito, sinabi ni Gatchalian sa isang pahayag na wala na siyang love life. Kinumpirma naman ito sa isang kamakailang pahayag mula sa Sparkle GMA Artist Center, na nagsasabing single si Bianca, sa gitna ng pagkaka-link sa ama ng sanggol ni Celeste Cortesi.


Sa kabila ng kanilang paghihiwalay, ibinahagi ni Bianca na proud siya kay Sen. Win.


Sey ni Bianca sa kanyang post, “Will forever be proud of you!!!! Well-deserved! It's about time! The country needs you!!!”


Nagbigay naman ng reaksiyon si SP Gatchalian sa mensahe ng dating kasintahan, “Nagpasalamat ako, of course, kay Bianca. Nagpapasalamat din ako sa lahat.”


Sa panayam, tinanong din ang senador tungkol sa pag-uugnay ng mga netizens sa kanya at kay Sen. Risa Hontiveros.


Inamin ng Pangulo ng Senado na nakaramdam siya ng ‘kilig’.

May nag-ship tuloy sa kanilang pangalan at tinawag silang WinRi tandem.


“‘WinRi’ po pala ang tawag. Kinikilig kayo na may love team kayo, SP?” masiglang tanong ng mamamahayag na si Alvin Elchico.


“S’yempre, kinikilig din dahil na-associate ka sa isang magaling na tao,” ani Gatchalian.


Biniro pa ni Elchico ang senador na namumula siya.

“Kayo talaga,” sey ni SP Win Gatchalian.



IKAW na talaga ang Dyosa ng Showbizlandia, Anne Curtis!

Imagine, kalahating taon pa lang ng 2026, heto at may tatlo agad na gagawing pelikula si Anne sa Viva Films.


Naku, paano kaya niya mama-manage ang kanyang time kung nagho-host pa rin siya ng It's Showtime, at the same time ay may mga extracurricular activities ding gagawin here and abroad?


Sey ng mga netizens:


“Okey, 1 year na namang magiging favorite guest host sa It’s Showtime nito. Congratulations, Dyosa.”


“Bagay kay Anne maging senator. Laging absent, eh.”


"Absent na naman n’yan sa Showtime, Hahaha! Kidding aside, congrats, Anne Curtis!”


“Sana ay makasama si Belle Mariano sa horror movie ni Anne Curtis.”

“Congrats, Anne, sana ay makatambal mo rin si Joshua Garcia.”

“The Anne Hathaway of PH.”


Bongga, ‘di ba?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page