Babawi ba si Brownlee kay Bishop sa Game 4?
ni Gerard Arce - @Sports | April 13, 2022

Ika nga sa pamosong salita sa larangan ng basketball, ‘offense wins games, but defense, wins championships’ – at dito nga sumandal ang Meralco Bolts upang patirikin at lasingin ang Brgy. Ginebra Gin Kings sa Game 3 – at sa pagtuntong ng Game 4 sa kanilang best-of seven series sa Smart Araneta Coliseum, plano ng Meralco na sungkitin ang panigurong 3-1 lead upang lumapit sa kauna-unahang titulo sapol ng lumahok sa PBA noong 2010.
Nalimitahan ng Meralco ang mainit na opensa ng Gin Kings sa second half ng hayaan lamang nitong makubra ang pinakamababang iskoring ng koponan sa championship series sa 29 puntos sa 3rd at 4th quarter, kabilang ang 13 puntos sa huling period sa 2021 Honda PBA Governor’s Cup.
Tatangkain muli ng Bolts na makuryente ang atake ng mga mag-aalak sa pagsisimula ng laro ng 6 p.m. at mairehistro ang panibagong pagkapanalo kasunod ng 83-74 na panalo, kung saan nalimitahan din si Ginebra import Justine Brownlee sa 6 sa kabuuang 19 puntos sa second half, habang namamaga ang ring ng Gin Kings sa 4-of-32 sa three-point shooting.
Maituturing na isa sa pinakamababang puntos ng Gin Kings ang nailistang 74 puntos buhat nang makuha ang 67-88 pagkatalo sa TNT Tropang Giga sa Game 3 noong 2020 Philippine Cup sa ‘Clark Bubble’ noong Disyembre.“Both teams played really good defense tonight and you can tell by the score. It’s very difficult to score out there, just a matter of getting some stops and trying to hold on as long as we could,” pahayag ni Meralco coach Norman Black sa post-game interviews matapos ang Game 3 noong Linggo.
“We give a lot of credit to Cliff Hodge because he did a great job defensively and if we get another five minutes, I don’t know whether you would have finished the game, but he just gave everything he had on the basketball court today to try to slow down on Ginebra’s offense and happily made a difference to us,” ani Black.





Comments