Babalik pa rin daw ng 'Pinas... JAMES REID, SUPER PROUD NA GAGAWA NG 30 SONGS SA TATE
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | March 14, 2022

Nagkagulo ang mga fans ni James Reid last Saturday dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nag-live streaming ang kanilang idolo sa Instagram para magbigay ng update sa kanila.
Kasalukuyan kasing nasa Los Angeles ang aktor/singer. Umalis siya 3 weeks ago na akala nga ng lahat ay iniwan na niya ang showbiz for good. But it turned out na work-related ang kanyang pag-alis base na rin sa inilabas na paglilinaw ng kanyang ama. Aniya ay nagtungo sa US ang kanyang anak for some recording sessions.
Sa kanyang IG live kahapon ay masayang-masayang ibinalita ni James na out na ang Hello 2.0 single niya sa Spotify at released na rin ang teaser ng music video sa YouTube.
Humingi siya ng paumanhin sa biglaan niyang pag-alis.
“I do apologize for not saying anything before I left,” natatawa niyang sabi.
“I want to try and keep it low key but yeah...” dagdag niya.
Nilinaw niyang hindi bakasyon ang kanyang ipinunta sa LA.
“Basically, I’m out here in LA right now. Not on vacation, I’ve been in and out of studios working with different producers, songwriters, working with transparent arts and I’ve just been out here making music and I can’t wait to get back,” he said.
“I’ve been out in LA for like 3 weeks now. I feel like it’s been forever, oh, my God,” sambit pa niya.
Kinumpirma ni James na babalik na siya ng Pilipinas sa April at sobrang naho-homesick na nga raw siya.
“I’ll be back April, I think. We’ll see. Actually, I didn’t get a return ticket, so I’m not sure how long I’ll be out here,” aniya.
“I miss everyone a lot. I am pretty homesick. I miss the food. And I miss the team,” sambit pa niya.
Marami pa raw siyang plano, marami pa siyang gustong gawing kanta and hopefully ay matapos niya lahat para pagbalik niya ay mai-release na niya.
“This trip so far has been amazing. I’ve been working with some incredible producers and songwriters. I’ve made a lot of tracks while I’ve been out here. I had a goal of just coming back with like 10 demos but the way it’s going, I think I’ll have like 30 songs by the time I get back home,” pagbabahagi pa niya.
Sa huli ay nagpasalamat si James sa mga supporters niya at ang last words nga niya, “I’ll see you soon.”





Comments