top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Babala sa mga mauunang magpa-booster shot!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 15, 2021
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | November 15, 2021



Bagama’t kayang magbigay-proteksiyon ng dalawang dose ng COVID-19 vaccine laban sa sakit, marami tayong kababayan na nais ng karagdagan pang proteksiyon.


Dahil d’yan, marami-rami ring pabor sa booster shot o ‘yung ikatlong dose ng COVID-19 vaccine.


Kaugnay nito, nagbigay-babala ang Department of Health (DOH) sa indibidwal na nakapagpaturok na ng booster shots.


Giit ng ahensiya, sakaling makaranas sila ng hindi kanais-nais, hindi ito pananagutan ng gobyerno, sa halip ay posible pa umano silang makasuhan.


Ito ay dahil ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi pa nabibigyan ng emergency use authorization (EUA) ang booster shots, kaya ang pagtuturok ay maituturing na paglabag sa national protocols, at ang source o pinagmulan ng bakuna ang mananagot.


Sa kasalukuyan, naghihintay pa rin ang DOH sa approval na inilalabas ng Food and Drug Administration (FDA) na amended EUA. Kabilang sa natanggap ng FDA na application para sa EUA amendment ang Pfizer, AstraZeneca, Sinovac at Sputnik V.


Hinimok na rin ng opisyal ang publiko na maghintay muna sa ilalabas na panuntunan ng pamahalaan hinggil dito.


Nauunawaan natin ang kagustuhan ng ilan na magkaroon ng karagdagang-proteksiyon laban sa COVID-19. Marahil, ito ay dahil medyo matagal na nang sila ay nabakunahan o kaya naman, medical frontliner na palaging humaharap sa COVID-19 patients.


Pero paalala sa lahat, hangga’t hindi pa aprubado ng mga kinakuukulan at eksperto, hintay-hintay lang tayo.


‘Wag nating kalimutan na ginagawa naman ng pamahalaan ang kanilang makakaya upang maproteksiyunan tayo, kaya kalma lang.


Baka sa halip na ‘feeling safe’ kayo sa sakit, eh, malamang na managot pa kayo.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page