Babala sa LGUs, local execs... Mabilis na pagbabakuna kontra-COVID o sanctions – P-Du30
- BULGAR

- Nov 3, 2021
- 2 min read
ni Lolet Abania | November 3, 2021

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga local chief executives na maaari silang mapatawan ng parusa o sanctions kung mabibigong makapag-administer ng COVID-19 vaccines sa kanilang mga nasasakupan sa paraang aniya, “most expeditious manner.”
Ito ang direktiba ni Pangulong Duterte kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, kung saan papanagutin ang mga local government units (LGUs) at local chief executives na makikitang hindi isinasagawa nang maayos ang vaccination rollout ng gobyerno.
“I have also ordered Secretary Año to impose the necessary sanction against LGUs and local chief executives who are not performing nor using the doses given to them in the most expeditious manner. I will hold each and every LGU accountable for this,” ani P-Duterte sa kanyang taped public address na ipinalabas ngayong Miyerkules ng umaga.
Naglabas na rin ang Punong Ehekutibo ng kanyang direktiba sa pulisya at sa militar na gumamit ng air assets, magbigay ng suporta at iba pang resources para sa pagdedeliber ng mga COVID-19 vaccines sa iba pang bahagi ng bansa.
Nababahala naman ang Pangulo sa usapin ng transportasyon ng mga bakuna sa mga regional at provincial level na tila aniya, nagkakaroon ng problema sa pagdadala ng mga COVID-19 vaccines sa partikular na lugar.
Giniit naman ni Pangulong Duterte na target niyang makapagbakuna kontra-COVID-19 ng isang milyong indibidwal kada araw.
“Noon walang bakuna, ngayon ‘yung bakuna nandiyan na. Medyo hindi ako... medyo nakuntento to the sense I have reiterated my instruction to agencies to make sure that local government units will receive their daily jab performance so that our country can reach the target of 1 million jabs or more everyday,” sabi ng Pangulo.
“’Yun ang ano, I have ordered Secretary (Carlito) Galvez, the PNP and the AFP to provide all the necessary support for LGUs particularly in the delivery of vaccines and mobilization of resources,” dagdag pa niya.
Ayon pa sa Pangulo, umabot na sa kabuuang 59.5 milyon doses ng COVID-19 vaccines ang kanilang na-administered.








Comments