top of page
TEKA NGA - PASABOG NI XIAN GAZA NA NANGHIRAM NG CONDO AT LUXURY WATCHES SI ALDEN, SUPOT-FB

Babala sa criminology interns... Pasaway sa batas-trapiko, 'di na makakapag-pulis

Writer: BULGAR
BULGAR
5 hours ago
2 min read

by Jeff Tumbado @News | October 26, 2026



Ralph Calinisan - NAPOLCOM

Photo: Ralph Calinisan - NAPOLCOM



Nagbabala si National Police Commission (NAPOLCOM) Commissioner Atty. Rafael Calinisan na maaaring malagay sa alanganin ang pagkakataon ng mga criminology intern na makapasok sa Philippine National Police (PNP) kapag lumalabag sila sa mga batas-trapiko, gaya ng pagmamaneho ng motorsiklo nang walang helmet.


“We will get their names, identify them, and we will not process their application as policemen or entertain them in the Napolcom exams. Sweeping reforms [are] needed here,” ani Calinisan sa kaniyang Facebook post.


Mismong si Calinisan ang nanghimok sa publiko na kunan ng larawan ang mga criminology intern na nakikitang walang suot na helmet at lumalabag sa mga batas-trapiko.


Hiniling din niya sa publiko na i-tag ang opisyal na Facebook account ng NAPOLCOM sa kanilang mga post o magpadala ng pribadong mensahe sa komisyon upang maisumite ang mga impormasyon at maproseso ang mga ito.


Binigyang-diin ng opisyal na seryoso ang ahensiya sa pagtugon sa naturang problema.

Nanawagan din si Calinisan sa mga paaralan ng criminology na mas mahigpit na salain ang kanilang mga estudyante at huwag hayaang makapasok sa hanay ng pulisya ang mga indibidwal na aniya ay may maling pag-uugali at pakiramdam na sila ay nakahihigit sa iba.


“‘Di dapat sila maging pulis. Salain ang dapat salain. Ayusin ang curriculum. Huwag diploma mill. Nation-building is everyone’s responsibility,” pahayag ni Calinisan.


Nauna nang nagdagdag ang NAPOLCOM ng mga bagong tanong sa national entrance at promotional examinations ng PNP upang masala ang mga aplikanteng nagtapos sa mga paaralang tinatawag na diploma mills o mga institusyong umano’y nagbibigay ng diploma nang hindi sapat ang pamantayan sa edukasyon.


Ayon kay Calinisan, nagpakilala ang komisyon ng mga bagong tanong sa pinakahuling serye ng pagsusulit upang matiyak na ang pagre-recruit at promotion sa hanay ng pulisya ay nakabatay sa kakayahan, kwalipikasyon at merito.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page