top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Babala ni P-Duterte na ito-tokhang ang mga Pinoy na ayaw magpabakuna, sablay!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 25, 2021
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 25, 2021



SABLAY ANG BABALA NI P-DUTERTE NA IPATO-TOKHANG NIYA ANG MGA AYAW MAGPABAKUNA—Nabatikos si P-Duterte sa kanyang sinabi na ipakukulong niya ang mga Pilipino na ayaw magpabakuna ng pangontra sa COVID-19 dahil ayon sa mga law experts ay wala namang batas na puwedeng dakpin at ikulong ang mga Pinoy na ayaw magpaturok ng COVID-19 vaccines.


Dahil walang batas na puwedeng dakpin ang mga ayaw magpabakuna ay lumalabas na sablay ang babala ni P-Duterte na ipato-tokhang niya ang mga Pinoy na ayaw magpaturok ng COVID-19 vaccines, boom!


◘◘◘


MGA PINOY, HINDI DAPAT SINISINDAK NG PANGULO SA ISYU NG PAGPAPABAKUNA—Kinumpirma ni Justice Sec. Menardo Guevarra na walang batas na puwedeng dakpin ang mga Pinoy na ayaw magpabakuna.


Aniya, kaya nagbabala si P-Duterte ay para sindakin ang mga ayaw magpabakuna.

Mali ‘yan kasi bilang pangulo ay hindi dapat sinisindak ni P-Duterte ang mamamayan, at sa halip dapat hinihimok niya ang mga ito na magpabakuna para sa kaligtasan ng lahat laban sa COVID-19, period!


◘◘◘


MAY 100 CHINESE VESSELS NA NAMANG PUMASOK SA WEST PH SEA, PERO “NGANGA” LANG SI P-DUTERTE—May report na may mahigit 100 Chinese vessels na naman ang nadagdag na pumasok sa exclusive economic zone ng West Philippine Sea (WPS).


At tulad nang inaasahan, “nganga” na naman si P-Duterte sa ginawang ito ng China.


Hay naku, kailan kaya mangyayari na ang tapang na ipinapakita ni P-Duterte sa mga Pilipino ay ipakita naman niya sa China?


Ang hirap sa pangulo, ang lakas manindak sa mga Pilipino, pero “nganga” sa pananakop ng China sa mga teritoryo ng Pilipinas, boom!


◘◘◘


SI DILG SEC. EDUARDO AÑO, DAPAT ANG UMAKSIYON LABAN SA MGA MANRARAKET NA GAMBLING LORDS SA SOUTHERN TAGALOG REGION—Lalo raw dumami ang mga kubrador ng “Perya ng Bayan”-con jueteng nina “John Yap” sa Cavite, “Renel” sa Rizal, Small-Town Lottery (STL) bookies nina “Ibora”, “Toce”, “Alvarez” sa Laguna at jueteng nina “Reyes” at “Biskotso” sa Batangas.


Kung walang gagawing aksiyon sina Cavite Gov. Jonvic Remulla, Rizal Gov. Rebecca Ynares, Laguna Gov. Ramil Hernandez at Batangas Gov. Hermilando Mandanas, ang dapat nang umaksiyon ay si Sec. Eduardo Año ng Department of Interior and Local Government kasi ang tagal nang nanraraket sa mga residente ng Southern Tagalog region ang mga gambling lords na ito, pero ang apat na gobernador ay “nganga” lang, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page