top of page
Vice Ganda sa UAAP 89 - IG.jpg

Babaeng exhange student, pinagsasaksak, todas

Writer: BULGAR
BULGAR
4 hours ago
2 min read

ni Justine Berganio @Overseas News | September 16, 2026



Spanish student na si Claudia Tacoronte - Circulated

Photo: Spanish student na si Claudia Tacoronte - Circulated



Isang Spanish student na si Claudia Tacoronte, 21, ang natagpuang wala nang buhay malapit sa Casa de Cultura sa Cuautla, Morelos, Mexico nitong Sabado.


Nasa Mexico si Tacoronte bilang exchange student mula sa University of Granada at wala pang isang buwan sa Morelos. Ayon sa local reports, nagtamo siya ng mga saksak. Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang kaso bilang femicide.


Nanawagan ng hustisya si Spanish Foreign Minister Jose Manuel Albares at sinabing nakikipag-ugnayan ang kanilang gobyerno sa pamilya ng biktima. Sinusuportahan din ng Mexican federal authorities ang imbestigasyon.


Nagsagawa naman ng silent vigil ang mga estudyante sa Mexican university at hiniling ang agarang hustisya at dagdag na proteksyon para sa mga babaeng estudyante.


Kinondena rin ng University of Granada ang pagpatay at nagkansela ng mga exchange placement para sa tatlong estudyanteng nakatakdang pumunta sa Morelos.

Sa unang pitong buwan ng taon, 21 femicide ang naitala sa Morelos at 380 naman sa buong Mexico, ayon sa official data. 





TATAY, ANAK NA EDAD 4 AT 7, NATAGPUANG PATAY SA BAHAY



PATAY ang tatlong Australian nationals, kabilang ang isang 57-anyos na ama at dalawa niyang anak na edad 7 at 4, matapos matagpuang wala nang buhay sa isang bungalow sa Kuta, Bali nitong Linggo.


Ayon sa Denpasar Police, isang witness ang pinuntahan ang kanilang bungalow matapos makatanggap ng tawag mula sa asawa ng lalaki na nasa Jakarta. Hindi umano nito makontak ang kanyang pamilya kaya humingi siya ng tulong upang tingnan ang kanilang kalagayan.


Kasama ang may-ari ng bungalow at ilang residente, binuksan nang sapilitan ang pinto at doon natagpuan ang tatlong biktima.


Iniimbestigahan na ng Kuta Police ang insidente, kabilang ang CCTV footage, crime scene at mga pahayag ng mga saksi at asawa ng lalaki. Tinitingnan din ng mga awtoridad ang posibleng pagkakasangkot ng ama sa pagkamatay ng dalawang bata.


Nakipag-ugnayan na rin ang pulisya sa Australian Consulate, habang kinumpirma ng Australian Department of Foreign Affairs and Trade na nagbibigay ito ng consular assistance sa pamilya ng mga biktima. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page