top of page
BULGARY - JULIA, ‘DI TOTOONG BUNTIS, BALIK-SERYE-IG _montesjulia08.jpg

Babaeng Dolphy… P2.41 B, TOTAL GROSS NG LAHAT NG MOVIES NI AI AI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | May 13, 2026



TALKIES - P2.41 B, TOTAL GROSS NG LAHAT NG MOVIES NI AI AI-IG _msaiaidelasalas

Photo: IG _msaiaidelasalas



Nakaramdam ng hiya si Ai Ai delas Alas nang sabihin ng aktres-TV host na si Toni Gonzaga na ang counterpart niya bilang Comedy Queen ay walang iba kundi ang Comedy King na si Dolphy (RIP). 


Kamakailan lang ay nag-guest si Ai Ai sa YouTube (YT) channel ni Toni Gonzaga na Toni Talks (TT).


Sa panayam ay napag-usapan ang tungkol sa bonggang kinita ng mga pelikula ni Ai Ai na umabot sa P2.41 billion gross ang lahat ng pinagsama-samang pelikula ng aktres.

Tanong ni Toni, “Nag-start ka as talent and to this day, si Ate Ai Ai pa rin ang may record ng highest-grossing film ng isang comedy actress in Philippine cinema with P2.41 billion gross of all your movies combined?”


Sey ni Ai Ai, “Yes. Thank you, Lord.”


Dagdag na tanong ni Toni, “Actually, ‘pag inisip mo, ikaw ang comedy queen. Ang counterpart mo na si Dolphy, ah, comedy king, ‘di ba?”


Sey ni Ai Ai, “Nakakahiya pero siguro, thank you, anak. Thank you, sister. Nakakatuwa ‘yun. Sabi ko, ‘Si Toni, naging anak ko ‘yan pero from the very start, tawag na n’ya talaga sa akin, ‘Ate.’”


Samantala, ang pelikula kung saan nagkasama sina Ai Ai Delas Alas at Toni Gonzaga at gumanap na anak ni Ai Ai si Toni ay sa Ang Tanging Pamilya: A Marry-Go-Round! (ATPAMGR) noong 2009.


Saad ni Toni na tipong hindi makapaniwala na senior na si Ai Ai, “Oo, parang ‘di kasi. Parang laging tingin ko sa ‘yo ay ate…”


Sey ni Ai Ai na may kasamang magandang ngiti, “Talaga? Bata?”

Saad ni Toni, “Oo. Kaya nga nu’ng nakita ko, ha? Senior na si Ate Ai Ai?”


Sey ni Ai Ai, “Oo, senior na ako. Kaya nga ‘yung iba, parang, ‘Ah, nag-HYROX ka? Ilang taon ka na ba?’ Secret.”


Well, in fairness kay Ai Ai ay mukha naman talaga siyang bata at kahit ang wankatitat (katawan) ay sexy pa rin.


Samantala, sa social media post ni Ai Ai ay nagbahagi siya ng matinding paalala kung ano ang dapat gawin ng isang babaeng nasawi at nawalan ng pag-asa sa buhay.


Sey ni Ai Ai, “Maraming nagagawa ang determinasyon at paniniwala. Mindset is the key. Laban lang sa mga babaeng nasawi at nawalan ng pag-asa sa buhay. Bangon mga sis, mga ate, mga nanay. Let’s go!


“Akala ko dati, pang-chill na lang ang cardio pero heto ako, sumasabak sa HYROX at buhay pa naman.


“Sobrang thankful kay God sa lakas, courage, at pagkakataong ma-push ko pa ang sarili ko. Maraming salamat sa partner ko at sa mga coaches na naniwala, sumuporta, at binigyan ako ng chance na patunayan sa sarili ko na kaya ko pala. Totoong age is just a number. Sa mga nanay na nawalan ng pag-asa diyan, bangon, mga mamamama. Kaya n’yo ‘to. Happy Mother’s Day sa lahat. To God all the glory and honor.”


Anyway, pak na pak ka d'yan, Ai Ai delas Alas, as in wapak at tumpak!





Nababasa raw sa phone ng tatay ng mga anak…

AJ, IBINULGAR NA MARAMING KARIBAL KAY ALJUR



Umamin ang aktres na si AJ Raval na nabubuksan at nagagamit niya ang phone ng kanyang partner na si Aljur Abrenica, ayon sa naging panayam sa kanya ng King of Talk na si Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) kung saan napag-usapan ang relasyon nila ni Aljur.


Tanong ng mahusay na TV host, “Kumusta kayo ni Aljur bilang partners?”

Saad ni AJ, “Okay po kami, Tito Boy. Iba’t ibang relationship po ‘yung meron kaming dalawa. Minsan magkapatid, magbarkada, mag-partner, minsan mag-nanay, mag-tatay.”


Tanong ni Boy, “May access ka sa phone ni Aljur?”

Diretsong sagot ni AJ, “Yes.”


Dagdag na tanong ni Boy, “AJ, guwapo si Aljur, maganda ka. Wala bang mga pagkakataon na may mga tabi-tabi pong lumalandi?”


Saad ni AJ, “Ay, Tito Boy… noong nag-start kami, siguro mga one to two years, ganu’n, sobrang dami. As in sobra-sobra, sobrang dami.”

Hirit na tanong ni Boy, “Kanino?”


Saad ni AJ, “Kay Aljur… nagme-message sa kanya, tapos minsan pinupuntahan s’ya.”

Tanong ni Boy, “Nagme-message sa phone, nababasa mo? Pinupuntahan sa bahay n’yo?”


Saad ni AJ, “‘Di pa po kami magkasama sa house nu’n. Pero si Aljur, very open s’ya. Sasabihin n’ya, ‘Ito ang nangyari.’ Tapos lumilipas ‘yung panahon, siguro nakaka-realize po s’ya kung ano ang tama at hindi tama.”

Tanong ni Boy, “Is Aljur loyal?”


Saad ni AJ, “Yes, Tito Boy. Sobrang loyal nu’n. At ‘yun ‘yung foundation ng relationship namin — loyalty.”


Well, wish lang ni yours truly na tumagal ang pagsasama nina AJ Raval at Aljur

Abrenica para sa magaganda nilang mga anak.


At sana’y makatagpo rin ng tunay na lalaking magmamahal sa magandang aktres na may pusong mapagbigay na si Kylie Padilla, ‘di ba naman, Aljur Abrenica?

‘Yun lang, and I thank you.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page