top of page
SPECIAL - “VICE, QUEEN OF ALL NETWORKS” - MVP-IG _praybeytbenjamin.jpg

Babaeng caregiver, nilimas ang pera, alahas ng 77-anyos

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 1 min read

ni Gina Pleñago @News | August 14, 2026



Babaeng caregiver, nilimas ang pera, alahas ng 77-anyos

Photo: FP



Swak sa kulungan ang babaeng caregiver na kumuha ng mga gintong alahas at pinalitan ng boodle money ang malaking halaga ng salapi ng may kapansanang lolo na kanyang inaalagaan sa Brgy. San Antonio, Makati City.


Nadiskubre ang ginawa ng caregiver nang suriin ng pamilya ng 77-anyos na lolo ang kanyang bag na pinaglalagyan ng pera at alahas, pasado alas-7 Miyerkules ng umaga. Dito natuklasan na wala na ang gintong bracelet at singsing, at pinalitan ang salapi ng ginupit na papel na binalutan ng scotch tape para magmukhang makapal na bungkos ng pera.


Umamin ang suspek nang kausapin ng pamilya, kung saan agad na isinoli sa pamamagitan ng GCash ang P15,000 sa biktima at isinuko rin ang kanyang iPhone na inakalang mapapatawad siya.


Nabigo namang maibalik ng suspek ang mga alahas na nagkakahalaga ng P300,000 at ang natitira sa P594,787 cash na kanyang kinuha kaya agad itong ipinahuli ng pamilya ng biktima sa mga tauhan ni SPD Director P/BGen. Glenn Oliver Cinco ng alas-8:40 Miyerkules ng gabi.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page