24 anyos na rider, patay matapos masagasaan ng truck sa Cebu

by BRO @News | September 29, 2026

Photo: Circulated / SS
Patay agad ang isang 24-anyos na babaeng rider matapos masagasaan ng Mitsubishi truck sa SRP Viaduct, Cebu City, alas-2:45 ng hapon noong Linggo, Setyembre 27.
Kinilala ang biktima na si Joy Helvic Dalanon, residente ng Lapu-Lapu City at tubong Masbate. Architecture graduate siya sa isang unibersidad sa Cebu.
Ayon sa driver ng truck na si Romel Genodiala, 46, biglang pumalya ang preno habang mabagal ang takbo ng mga sasakyan dahil sa traffic. Sinubukan niyang umiwas pero tinamaan si Dalanon.
Nasugatan din ang dalawang sakay ng isa pang motorsiklo. Negatibo sa alcohol test si Genodiala at nasa kustodiya na ng pulisya. Nahaharap siya sa kasong reckless imprudence resulting in homicide at damage to property.





Comments