top of page
Korina Sanchez-Roxas - IG.jpg
Search

ni Gina Pleñago @News | August 14, 2026



Babaeng caregiver, nilimas ang pera, alahas ng 77-anyos

Photo: FP



Swak sa kulungan ang babaeng caregiver na kumuha ng mga gintong alahas at pinalitan ng boodle money ang malaking halaga ng salapi ng may kapansanang lolo na kanyang inaalagaan sa Brgy. San Antonio, Makati City.


Nadiskubre ang ginawa ng caregiver nang suriin ng pamilya ng 77-anyos na lolo ang kanyang bag na pinaglalagyan ng pera at alahas, pasado alas-7 Miyerkules ng umaga. Dito natuklasan na wala na ang gintong bracelet at singsing, at pinalitan ang salapi ng ginupit na papel na binalutan ng scotch tape para magmukhang makapal na bungkos ng pera.


Umamin ang suspek nang kausapin ng pamilya, kung saan agad na isinoli sa pamamagitan ng GCash ang P15,000 sa biktima at isinuko rin ang kanyang iPhone na inakalang mapapatawad siya.


Nabigo namang maibalik ng suspek ang mga alahas na nagkakahalaga ng P300,000 at ang natitira sa P594,787 cash na kanyang kinuha kaya agad itong ipinahuli ng pamilya ng biktima sa mga tauhan ni SPD Director P/BGen. Glenn Oliver Cinco ng alas-8:40 Miyerkules ng gabi.


 
 

ni Lolet Abania | September 5, 2020



Naaktuhan sa camera ang isang lalaki na nagnanakaw ng halaman sa isang shop sa Cainta, Rizal. Ayon sa may-ari na si Amor Alcantara, nadiskubre niya na isa-isang nawawala ang mga halaman sa kanyang shop.


“Paglabas ko sa shop namin, nakita ko sa isang side, napansin ko, nawawala na doon ‘yung anthurium, eh, mga bagong stock ‘yun, eh,” sabi ni Alcantara. Gayundin, matapos na i-report ito ni Alcantara sa pulisya, maraming residente roon ang nagsabi sa kanya na maaaring may kumukuha ng mga halaman nito.


Dito napag-alaman ni Alcantara na isang lalaki ang nagbebenta ng mga nakaw na halaman.


“'Nakita pa namin nakasabit pa sa grills nila...' sabi noong imbestigador. Kung hindi ninyo ‘yan I babalik, alam ninyo na nakaw, madadamay kayo,” sabi pa ni Alcantara. Gayunman, naibalik na ang 19 na halaman kay Alcantara na nagkakahalaga ng P9,000.


Subalit, walang ibinigay na report sa pagkakakilanlan ng lalaki. Kabilang sa mga ninakaw na halaman sa shop ni Alcantara ang dwarf anthuriums, philodendron xanadu, foxtail at spider plants.


Sa tingin ni Alcantara, nagawang magnakaw ng halaman ng lalaki dahil sa kawalan ng ikinabubuhay na nararanasan natin sa panahon ng pandemya ng COVID-19.


“Hindi naman po kasi lahat makikita ‘yung value ng halaman, eh. Unlike sa mga collectors talaga, alam nilang may value ‘yun. Pero si kuya kasi, hindi naman ibinenta ng para ibenta ng mataas na halaga at tsaka ‘yung worth kasi ng pagbenta niya is ang baba sa SRP namin,” sabi niya.


Subalit ayon kay Atty. Anniebel Guyo, isang krimen pa rin ang pagnanakaw ng halaman. “It is called theft or simple theft. It is committed by any person with intent to gain but without violence or intimidation who shall take the personal property of another without the latter’s consent,” sabi ni Guyo.


Gayundin, sabi ni Guyo, ang kaparusahan sa krimen na theft ay depende sa halaga ng ninakaw. Ipinaliwanag pa ni Guyo, kapag ang halaga ng pag-aari ay hindi mahigit P500 at nagawa ito ng maysala dahil sa kahirapan, gutom, walang mapagkukunang kabuhayan, may kaparusahan ito ng pagkakakulong ng isa hanggang 10 araw o pagmumultahin ng hindi lalampas sa P5,000.


Gayunman, ipinaalala ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac sa publiko na ang theft o pagnanakaw ay mabigat na krimen. “Ang PNP ay nagpapaalala sa ating publiko na mahigpit po na ipinagbabawal sa ilalim ng batas ang pangunguha ng anumang gamit o ano mang bagay lalo pa’t halaman na pag-aari ng ibang tao...


Basta po pagmamay-ari ng isang tao ay wala pong karapatan ang sinuman na kunin ito nang walang paalam,” ayon kay Banac.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page