B-day wish ng GF, natupad… DOMINIC, TINURUAN SI BEA SA BAGONG NEGOSYO
ni Nitz Miralles - @Bida | October 18, 2022

Three-part video compilation ng mga tender moments nila ng girlfriend na si Bea Alonzo na may caption na: “Happy Birthday my love... una na 'ko. I love you,” ang birthday greetings ni Dominic Roque sa GF na nag-celebrate ng birthday kahapon, Oct. 17.
Sa first part ng video, bidang-bida si Bea at sa latter part lang kasama si Dominic. Sa second part ng video, more videos nilang dalawa from their vacations at sa third part, ang caption ni Dominic ay: “Let’s Celebrate You” at more photos and videos nilang dalawa na kinakiligan ng kanilang mga fans.
“Thanks hun,” ang sagot ni Bea sa video birthday greetings sa kanya ng boyfriend at sinundan ng “I love you” na kinakiligan ng mga fans.
Sa birthday niya kahapon, may TVC shoot si Bea ng new endorsement. Isa ito sa three endorsements niya bago magtapos ang 2022. May isang big endorsement pa si Bea na ikagugulat daw natin. Ano kaya ‘yun?
Kagagaling lang ni Bea sa Kapuso Fans Day last Saturday sa Dagupan City to promote Start-Up at sa Thursday, lilipad sila ni Alden Richards at ibang cast sa Cebu para pa rin i-promote ang series nila sa GMA-7.
Samantala, nagbigay ng clue si Dominic kung anong business ang papasukin ni Bea na ang birthday wish ay magkaroon siya ng sariling busines brand. Sabi ni Dominic sa mediacon ng Gabay Guro Grand Gathering, ang payo niya kay Bea ay kung ano ang hilig nitong gawin.
“Kumbaga, kung mahilig siya sa mga gamit sa bahay, sabi ko sa kanya, ‘yun ang gawin niya dahil mas madali mong maibebenta. With social media, mas madali na at huwag niyang ilalayo sa hilig niya,” ayon kay Dominic.
Mahaharap siguro ni Bea ang papasuking business venture pagkagaling niya at ng kanyang pamilya sa one-month vacation sa Spain.





Comments