Ayuda Queen… IVANA, NAKA-13 MILYON SUBSCRIBERS, NAMUDMOD NG PAGKAIN AT DATUNG
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | June 08, 2021

Nakakuha na ng 13 M subscribers sa YouTube ang sexy actress na si Ivana Alawi. Kaya naman, muli siyang nag-share ng kanyang blessings sa mga taong nangangailangan ng tulong at ayuda.
Naghanda siya ng 1,300 grocery bags na may kasamang 5 kilos of rice at P1,000 cash.
Nagluto rin siya ng chicken/pork adobo at namigay ng meal packs sa mga taong natutulog sa bangketa.
Si Ivana mismo at ang kanyang mommy ang nagluto ng adobo. Sila-sila rin ang naghanda ng 1,300 grocery bags na ipinamigay.
Kahit pagod, masayang-masaya pa rin si Ivana Alawi dahil marami na naman siyang natulungan.
Sa bawat blessing at kita niya sa kanyang YouTube Channel, hindi nakakalimutan ni Ivana na mag-share. Kaya naman, bumabalik ang suwerte sa kanya.
Ang tanong ng marami, kailan naman kaya magpapaayuda at magse-share ng blessing sa media at entertainment press ang 'Ayuda Queen' ng YouTube?
Apektado rin naman ang mga tulad namin dahil sa lockdown. Kaya 'pag may nagbibigay ng ayuda, dasal namin ay… SANA ALL!





Comments