top of page

Ayon sa Comelec... Proklamasyon ng ilang mga panalo sa eleksiyon, aabutin nang 1 linggo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 4, 2022
  • 1 min read

ni Zel Fernandez | May 4, 2022



Posible umanong abutin ng isang linggo ang proklamasyon ng Commission on Elections (Comelec) sa mga mananalong senatorial at party-list race, pagkatapos ng May 9 elections.


Saad ni Commissioner George Garcia, ang canvassing ng mga resulta ng 12 mananalong senador at hindi pa matukoy na bilang ng mga party-list group na uupuan ng Comelec en banc bilang National Board of Canvassers ay maaaring matapos sa Mayo 15.


Tiniyak naman ni Garcia na ang mga mananalo sa lokal na halalan, ay malalaman din ilang oras matapos magsara ang mga botohan.


Gayundin aniya sa Mayo 9 ay maaari nang iproklama ang mga bagong halal na mayor at vice mayor, habang kinabukasan naman ng May 10 maipoproklama ang mga congressman, governor, vice governor at Sangguniang Panlalawigan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page