top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Ayaw sa ibang leading lady… FANS NI GABBY, SI SANYA PA RIN ANG GUSTO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 10, 2022
  • 1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | September 10, 2022



Kapuso pa rin si Gabby Concepcion dahil muli itong pumirma ng kontrata sa GMA Network noong September 8 at sa contract signing, nabanggit nito na “Talagang ang sarap to be part of GMA and thank you sa inyong lahat for the trust.”


Six years nang Kapuso si Gabby at tumatatak sa mga viewers ang mga ginawang series.


Hindi nabanggit kung ilang taon ang muling pinirmahang kontrata ni Gabby. Ang nabanggit lang, magbibida siya sa isang special episode ng Daig Kayo ng Lola Ko. Month-long special ang episode at ibig sabihin, four weeks mapapanood si Gabby.


Mula sa rom-com na First Yaya at First Lady, mapapanood ang aktor sa ibang genre na sabi ni Ms. Lilybeth Rasonable, ikatutuwa ng mga fans ni Gabby.


Inihahanda na rin ang susunod na teleserye ni Gabby at ang kanyang makakapareha.


Kung pakikinggan ng GMA ang request ng mga fans, gusto nilang si Sanya Lopez pa rin ang makapareha ni Gabby at may title na nga silang naisip. Bagay daw na title ang First Family at the same cast pa rin ang gusto nila.


Kagagaling lang ni Gabby sa Amerika for a series of shows at bago mag-taping for DKNLK, babalik muna sa Amerika for more shows. Kumakanta rin kasi si Gabby at ang dami niyang shows sa Amerika.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page