top of page
Search
BULGAR

Ayaw raw ng nakahiga lang pagtanda… NADIA, HINIHIKAYAT ANG MGA KABABAIHAN NA SUMALI SA MILITAR

ni Julie Bonifacio @Winner | June 26, 2024



Showbiz Photo

Isa si Nadia Montenegro sa mga celebrities na naimbitahan sa star-studded na 35th anniversary celebration ng sikat na under garment, ang Wacoal, na ginanap sa Okada kamakailan.


Habang naghihintay kami sa lobby ng grand ballroom ng Okada Manila ay nagpaunlak si Nadia ng interbyu sa amin. 


Bungad ni Nadia, “Nandito tayo ngayon sa anniversary ng Wacoal.  Naimbitahan tayo na masama sa event and uh, katatapos lang ng aking training sa navy at tuloy pa rin ang trabaho sa Senado. At ‘yun, busy pa rin sa catering, at sa mga anak ko.”


Katatapos lang ni Nadia sa kanyang training bilang Philippine Navy reservist after completing a short training course. Kasama si Nadia, na ang tunay na pangalan ay Nadine M. Pla, sa 45 bagong army reservists pagkatapos makumpleto ang 30-day training early this month. Naghihintay naman si Nadia ng susunod na training nila. May iba’t-ibang training din pala ang pagiging military reservist.


Kuwento ni Nadia kung bakit niya naisipang maging navy reservist, “Uh, nabigyan kasi ng opportunity du’n sa opisina namin. Parang nagkaroon ng parang program nga na puwedeng kahit sino sa Senate office ay pwedeng sumali sa navy reservist. And since alam naman natin

‘yung mga nangyayari ngayon, ‘di ba? 


“Kumbaga, hindi naman nalalayo sa araw-araw ko. ‘Yun naman ang trabaho ko kay Senator Robin Padilla.


“Uh, nandu’n tayo sa mga nangangailangan, nagkaka-delubyo, sa rescue. Eto nakita ko ‘yung pagkakataon. Mas lumawak lang ‘yung aking magagawa. Mas marami, mas malaking place ang kaya ko’ng gawin at mas marami na ako’ng katulong at kasangga na nasa likod ko na makakatulong  sa akin sa misyon ko.”


Inengganyo ni Nadia ang mga kababayan natin, especially ang mga kababaihan, na sumali na rin sa training program ng military.


Pahayag niya, “The last seven, eight months na nasa field ako, nasa trabaho ako parang nasanay na ‘yung katawan ko sa kagagalaw sa araw-araw.


“Ayun, gigising ka ng maaga. Uh, ‘yun. Parang na-reborn ako. Parang uh, bagong life. Bagong journey.


“At least ngayon, medyo nakakatakbo ka na. Nakakagalaw-galaw, ‘di ba? Hindi na ako ‘yung natatakot na, ‘Ay! Tatanda ba lang ako’ng nakahiga na lang ako. Kaya ini-encourage namin ang  everybody, walang pinipiling edad ‘to at walang pinipiling kasarian. Kailangan Pilipino ka lang at may pusong ‘Pinoy.”    


Nalulungkot naman si Nadia sa nangyayaring kaguluhan sa Ayungin Shoal between our military men at sa mga taga-China.


Sey niya, “Siyempre, nakakalungkot dahil mga kasamahan natin ‘yun. Uh, hindi biro ang pinagdaanan ng ating mga kapwa-Pilipino na ipinaglalaban ang bayan natin, pinaglalaban ang atin.


“Alam mo naman tayo we’re always for peace. Wala namang may gustong magkagulo. Wala naman ang may gusto ng giyera. Kaya hangga’t kaya natin sana, let’s pray for our country. Let’s pray for our soldiers para sa proteksyon ng ating mga sundalo. 


“Wala naman tayong magagawa kaya magdasal po tayo. Kailangan po natin ‘yan. We need peace in this world.”      


Nagwo-work si Nadia sa opisina ni Sen. Robin Padilla sa Senate bilang political affairs officer. Magwa-one year na raw siya next month.


“Oh, yes. I’m an employee of the Senate. Being a reservist is something I bring pride and honor in my work, in my own self, in my family. This is something na I accomplished ma matagal ko ng gustong gawin. Na ngayon na I was given the opportunity, nagawa ko na,” proud na sabi pa ni Nadia.


Anyway, ang iba pang stars na dumalo sa 35th anniversary ng Wacoal ay sina Lorna Tolentino, Elizabeth Oropesa, Janice de Belen, Gelli de Belen, Arlene Muhlach, Candy Pangilinan, Jamie Rivera, Glenda Garcia, Melissa Mendez, Isay Alvarez at si Eva Darren na nakaupo sa VIP seats sa harap ng stage.


Rumampa naman sa stage sina Lorna, Glenda, Nadia, Mickey, Hemily Tamayo, Pam Diel, Zara Near at Elizabeth at Jamie as representative sa four parts fashion show para sa latest collection na bawat part ay nagsi-symbolize ng different stage sa journey ng isang babae.


Ang theme sa apat na part ng fashion show ay “Her,” “Healing,” “Armor” at “Transformation.”


Thankful ang kauna-unahang babaeng presidente ng Wacoal na si Ms. Christine Ann Palisoc sa lahat ng kanilang special guests at sa success ng kanilang kompanya for the past 35 years.

        

0 comments

留言


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page