top of page
Search
  • BULGAR

Ayaw pautangin ng bangko… TONTON AT ALFRED, NAKABILI NG P16 M NA BAHAY DAHIL KAY LOLIT

ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 11, 2024



Showbiz News

Na-appreciate namin ang gesture ni QC 5th District Councilor Alfred Vargas na ang mga kaibigan talaga sa entertainment press ang piniling makasama para sa unang selebrasyon ng kanyang pagkapanalong Best Actor sa nakaraang FAMAS Awards para sa pelikula niyang Pieta.


In fairness kay Konsi Alfred, mula nang makilala namin ito mga 20 years ago na, consistent siya sa pakikitungo sa mga press people. Mataas ang respeto niya sa mga manunulat at hindi siya nakakalimot, mula nu'ng aktor pa lang siya at kahit nang maging pulitiko na siya.


Bukod sa magandang upbringing ni Alfred, gusto rin naming ibigay ang credit sa kanyang manager na si Manay Lolit Solis na dahil veteran writer din bago naging talent manager, nailalapit niya ang kanyang mga alaga sa press at napapaliwanagan kung paano iha-handle ang mga kontrobersiya sa showbiz.


Ang nakakatuwa naman kay Manay Lolit, most of the time, sa kanya pa nanggagaling ang mga pang-headline na issues sa kanyang mga alagang artista, dahil kung ano talaga 'yung totoo, sinasabi niya. 


Ayaw daw niyang nagsisinungaling at nagde-deny, tapos lalabas din palang totoo sa bandang huli.


Tulad na nga lang ng nakakaaliw na chika ni Manay Lolit na puring-puri ang kanyang mga alagang sina Tonton Gutierrez at Konsehal Alfred Vargas.


Kuwento ni Manay Lolit, siya ang nag-guarantor para makabili ng tig-P16 milyong bahay sina Tonton at Konsi Alfred. 


Nag-loan kasi sa bank ang dalawang alaga ni Manay Lolit, at pinatunayan naman ni Konsi Alfred na kahit sikat na siya, hindi talaga siya pinautang ng bangko until ang sikat na manager nga niya ang nag-guarantor sa kanya.


Chika pa ni Manay Lolit, lokang-loka naman siya nang i-freeze ng bangko ang pera niya at hindi siya puwedeng mag-withdraw nang mas mataas sa P100 K hanggang 'di nababayaran ng dalawang alaga niya ang kinuhang bahay dahil siya nga ang guarantor.


Fortunately, after 4 yrs. lang, nabayaran naman daw nina Tonton at Alfred ang ni-loan sa bangko.


Pero tawang-tawa kami kay Manay nang ikuwentong ipina-hold niya sa bangko ang titulo at pinahirapan muna ang dalawang alaga dahil na-freeze nga ng ilang taon ang kanyang pera.


But at least, ha, proud ngang sabi ni Manay Lolit, tuwang-tuwa siya dahil nakapagpundar ng bahay sina Tonton at Konsi Alfred, unlike raw sa isa pa niyang alaga na si Paolo Contis.


Natanong tuloy namin si Manay Lolit kung bakit nga ba until now, wala pa ring sariling bahay si Paolo gayung bata pa ito nagsimula sa showbiz at dahil sa galing nitong aktor, never namang napahinga nang matagal.


Sey ng veteran writer-talent manager, nanghihinayang nga raw siya kay Paolo dahil wala itong naipon. Siguro raw kasi, dahil nga bata pa si Paolo ay nagtatrabaho na at hindi naman nga nawawalan ng pera, hindi nito masyadong napahalagahan ang mga kinikita. 


At dahil nakatira pa rin daw si Paolo sa kanyang ina, siguro raw ay iniisip ng aktor na hindi naman na niya kailangang bumili ng sariling bahay dahil 'pag nawala rin ang kanyang mommy, siya rin ang magmamana sa property nito.


Ipinalinaw na rin namin kay Manay Lolit ang dating chismis na nauubos daw kasi sa casino ang pera ni Paolo.


Pag-amin naman ni Manay, inimbestigahan nga raw niya ang tungkol diyan nang marinig niya ito at nalaman daw niya sa staff ng aktor na sa online casino pala nahuhumaling ang alaga kaya 'di nakikita sa mga hotel casino.


Hindi naman daw niya mapayuhan si Paolo dahil baka sabihin nito sa kanya na pera naman nito ang kanyang ginagastos. But still, nanghihinayang nga raw si Manay Lolit dahil mabuti pa ang ilang alaga niya, naka-ilang taon pa lang sa showbiz ay nakaipon na.

Oh, well, ano kaya'ng masasabi ni Paolo Contis 'pag nabasa niya ito?


 

Kahit champion singer na raw, marunong lang mandaya…

JED, KABADONG MAKASABAY SINA REGINE AT LEA 


Hindi contract star ng A-Team talent management ni Ogie Alcasid ang WCOPA champion singer na si Jed Madela, pero isa raw si Ogie da Pogi sa mga tumutulong sa career ni Jed ngayon together with Star Magic lalo't wala na pala siyang manager.


Aminado si Jed na nakakatakot at hindi madali para sa isang singer na tulad niya na walang manager dahil 'di niya alam kung saan papunta ang kanyang career. Pero at the same time, ang good side naman ay siya na raw ang nagde-decide sa mga gusto niyang gawin at path na tatahakin niya.



Jed Madela

Sa edad ni Jed ngayon na 46, tinanong namin siya kung ano ang mga fears niya bilang singer lalo't marami nang mas bata at baguhang magagaling na singers ngayon.


Aniya, "Hindi mo talaga maiiwasan 'yan, eh. It's a cycle of life, may bago na darating, may mas magaling na darating. But for me, I guess it's just a mindset of how you deal with things, na alam mo sa sarili mo na heto ka, kakayahan mo 'to at walang makakakuha niyan.


"All you can do is you know, help out, support other artists, mas magaan sa kalooban kesa mag-compete ka, nakakapagod."


Very observant daw si Jed at sumasabay kung ano ang uso kaya until now, relevant pa rin naman siya.


Pero tanggap niya at hanga siya na marami ring magagaling na Gen Z singers ngayon, lalo na 'yung mga kasamahan niya sa ASAP.


Singit naman ni Concert King Martin Nievera, kahit marami nang magagaling na singers ngayon, 'one of the bests' pa rin si Jed.


"Technique, style, volume, dynamics…I'm a coach, (he's) one of the bests if not the best," papuri ni Martin kay Jed.


Natanong din namin si Jed kung kaninong singer siya natsa-challenge at kinakabahang ka-duet o ka-collab at pag-amin niya, kay Asia's Songbird Regine Velasquez at sa Broadway singer na si Ms. Lea Salonga.


"It's always dalawang feeling, 'yung excited ako at ninenerbiyos kasi siyempre, Ate Redj 'yan, ang galing-galing. Lea Salonga, isa rin 'yan. Kumbaga, nape-pressure ako in the sense na hindi puwedeng magkamali, 'di puwedeng alanganin kasi icons 'yan, eh."


Nagkakamali pa rin ba ang isang Jed Madela?


Natatawang sagot nito, "Oo naman, marunong lang akong mandaya."


Oh, ha? At least, honest siya. 


Anyway, may upcoming concert si Jed Madela sa Music Museum sa July 5, 2024 titled Welcome to My World na for sure, suportado ng mga kapwa niya magagaling na singers tulad nina Martin Nievera, Ogie Alcasid at marami pang iba.

0 comments

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page