top of page

Ayaw pang umamin… ZANJOE AT RIA, INILAGLAG NI SYLVIA, FAMILY PICTURE NILA INILABAS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 22, 2022
  • 1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 22, 2022



May posted photo si Sylvia Sanchez ng kanilang family picture kasama ang rumored boyfriend ng anak na si Ria Atayde na si Zanjoe Marudo.


Sa caption ni Ibyang (palayaw ng aktres), pinasalamatan niya si Zanjoe sa oras na ibinigay para makasama sila at ibig din daw niyang makilala pa nang husto ang rumored boyfriend ni Ria.


"Thank you for spending time with us Z @onlyzanjoemarudo. I’m looking forward to know you more," ani ng beteranang aktres.



Kung matatandaan, kamakailan sa isang interbyu kay Ibyang, sinabi niyang "dating" sina Ria at Zanjoe.


Komento ng mga netizens, inilaglag umano ni Ibyang ang anak.


Pareho nga naman kasing hindi nagsasalita sina Zanjoe at Ria, ayan tuloy, si mudra na ang nagbuking sa kanila.


"'Yang mga unang paakbay-akbay na ganern," sey ng isa.


"Awww! Infer, sabi ni Bea (Alonzo, ex ni Zanjoe), mabait si Z. Sana siya na Aunt Ria!"


"Hahaha! Inilaglag ng mudra."


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page