Ayaw pang magkaanak... DEREK, UMAMING NAKA-IUD SI ELLEN KAYA 'DI NABUBUNTIS
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | March 14, 2022

Sa bagong YouTube channel ni Nanay Cristy Fermin kasama sina Romel Chika at Morly Alinio na Showbiz Now Na ay inamin ng huli na kaya hindi pa nabubuntis si Ellen Adarna ay dahil naka-IUD ito.
Napag-usapan kasi ng tatlo kung bakit ilang buwan nang kasal sina Ellen at Derek Ramsay pero wala pang balitang buntis ang aktres.
Malapit si Morly kay Derek at natatanong niya ito na sinasagot naman siya nang diretso.
Mula sa kanyang buhok ay may kinuhang nakatiklop na papel si Morly at saka iniabot kay ‘Nay Cristy.
Ang nakasaad sa papel, “Ellen Adarna, naka-IUD kaya hindi pa mabuntis ni Derek Ramsay.”
Nagulat si Romel Chika, “Totoo?”
“Yessss,” masayang sagot ni Morly.
“‘Yun palang nakatanim na IUD sa bulaklak (pribadong parte ng katawan), ang IUD na ‘yan po, ‘yung ibinibigay ng mga doktor para hindi agad-agad magdalantao ‘yung babae. ‘Yan ‘yung intrauterine device,” paliwanag ni Nanay Cristy.
Dagdag pa nito, “Pero bilib ako, ha? Napakaresponsable nilang magulang kasi bata pa si Elias, ayaw pa nilang masundan. Kahit nga tatlong dosena, kaya nilang mag-anak, eh.”
Paano ba tinanong ni Morly si Derek?
“‘Yun na nga, nakukulitan na nga yata sa akin si Derek. Sabi ko, ‘Friend, kelan ba kayo magkakaanak? Kelan ba magbubuntis si Ellen?’
“Sagot ng hubby ni Ellen, ‘Hindi pa magbubuntis, naka-IUD.’ Pero ang pangako, next year daw, tatanggalin na dahil gusto na nilang magkaanak.”
At ang isa pang tanong ni ‘Nay Cristy, ‘Ito bang IUD ay ipinakabit ni Ellen nu’ng sila na ni Derek Ramsay o nu’ng sila pa ni John Lloyd Cruz?’”
Tumawang sabi ni Morly, “‘Yan ang susunod na sasagutin ni Derek Ramsay, hahahaha.”





Comments