top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Ayaw pang aminin ng BF, 'di nakatiis… RUFFA, ALA-KRIS, UNANG KUMANTA SA RELASYON NILA NI BISTEK

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 29, 2022
1 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | March 29, 2022



Bentang-benta ang mga jokes ni senatorial aspirant and former QC Mayor Herbert Bautista tungkol sa kanyang love life sa mga big rallies na pinupuntahan niya nationwide.


Gaya na lang nu'ng kantahan at maki-duet sa kanya ang isang female supporter sa stage during the rally ng UniTeam sa isang lalawigan.


Say ni Bistek sa female supporter, "Alam mo ba na matagal na akong naghahanap ng girlfriend?"


Biglang sigaw ng crowd kay Bistek ng pangalan ng rumored girlfriend niyang si Ruffa Gutierrez.


Pero sagot ni Bistek sa crowd, "Mga Marites kayo, ha?"


Magka-holding hands pa si Bistek at ang female supporter habang nagdu-duet on stage. Naku, 'di kaya magselos si Ruffa niyan?


Although wala pang pormal na aminan sina Bistek at Ruffa sa kanilang relasyon, wala rin tayong nababalitaang pagtanggi sa balita na sila na.


And take note, kaya rin naman kumalat ang usapan kina Ruffa at Bistek ay dahil sa unang pagpapahiwatig ng dating Miss World Second Princess sa socmed na may nagaganap na special something between them.


Parang sa relasyon nina Bistek at Kris Aquino, tila ang TV host din ang unang umispluk ng relasyon nila ng senatorial aspirant, kung 'di kami nagkakamali.


Patunay lang 'yan na iba talaga ang karisma ni Bistek pagdating sa babae. Kyut kasi ni Bistek at mukhang masaya laging kasama.


And if manalo kaya si Bistek sa pagka-senador ngayong eleksiyon, aamin na kaya sila ni Ruffa?


Let's see.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page