Ayaw pakabog sa kaeksenang si Richard… BELA, NAG-RENT PA NG FIRING RANGE MATUTO LANG BUMARIL
- BULGAR

- 1 hour ago
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 29, 2026

Photo: IG @bela
Hindi biro ang ginawang training nina Richard Gutierrez, Gerald Anderson at Bela Padilla para sa kani-kanilang karakter sa Blood vs. Duty (BVD), ang bagong serye sa primetime ng ABS-CBN.
Kuwento ng action director na si Erwin Tagle sa mediacon last Friday, bukod sa official training ay mayroon pa raw individual secret training na isinagawa ang cast para masiguro na makapag-deliver nang maayos sa mga matitinding action scenes.
Sey naman ni Richard, naging panuntunan na raw niya na sa tuwing may bagong project ay talagang ibinubuhos niya ang lahat ng mga preparations na kailangan para sa kanyang karakter.
“Every time I enter or sign up for a project, I really prepare myself physically, mentally and spiritually. Kasi, it’s not going to be easy.
“You know, all of these that we’re doing now, the things and product that you see, grabe ang sakripisyo at pagod at hirap na pinagdaraanan namin. But we do it with passion. We do it with love for our craft, love for our audience,” pahayag ni Richard.
Tsika naman ni Gerald, may isang eksena raw siya na talagang hindi siya kumain sa maghapon dahil nakahubad siya sa scene at super-diet pa raw siya bago gawin iyon.
Madaling-araw kinunan ang eksena kaya hindi birong dusa ang inabot niya dahil talagang hindi siya kumain the whole day.
Isa si Bela sa mga nauna nang nag-training kay Direk Erwin bago pa man ang official training.
“Pero on the side, I did my own stuff also. I rented out firing ranges, nag-aral ako on my own also, para lang makasabay ako kay Richard kasi ang lagi kong kaeksena, si Richard. Eh, si Richard, ilang taon na ‘yang nag-aaral, ‘di ba?” ani Bela.
Before the mediacon ay nagkaroon ng advanced screening na ginanap sa Trinoma Mall at ipinakita ang first three episodes ng serye na talagang hinangaan ng mga manonood.
Pilot week pa lang ay madugo na agad ang mga stunts at action scenes na ipinakita ng cast. Palakpakan ang lahat sa eksena ni Chard kung saan ay pinalipad niya ang motorsiklong sinasakyan.
Mula sa JRB Creative Production ng ABS-CBN ang nasa likod nito sa pangunguna nina Julie Anne R. Benitez at creative head na si Dindo Perez.
Mapapanood na ang Blood vs. Duty sa Netflix simula Abril 3, sa iWant simula Abril 4, at sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live simula Abril 6.




Comments