top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ayaw paawat… KORINA, TITIGIL LANG SA WORK 'PAG NAOSPITAL NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 21, 2022
  • 3 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | November 21, 2022




“Paalam ko sa pamilya ko, sa asawa ko, 'Just give me three years to do everything that I wanna do,'” ito ang sagot ni Korina Sanchez-Roxas nang tanungin siya kung hindi ba niya mapapabayaan ang mag-aama niyang sina dating Sen. Mar Roxas, Pepe at Pilar dahil tumanggap siya ng bagong trabaho sa TV5, ang TikTalks.


Napapanood na kasi siya sa NET25 kada Linggo at 5 PM sa programang Korina Interviews na maganda ang feedback mula sa mga televiewers, heto nga't may bago pa siyang show.


Sa pagpapatuloy ni Korina, “Siyempre, kailangan na rin ng mga bata ng tutok, pero feeling ko naman, with the quality time I spend with my kids, gusto ko ring makita ni Pilar, eh.


“Later on, 'pag nakita niya ang autobiography ko, lahat ng mga pinaggagawa ng nanay niya na palagay ko, ganito dapat, hanggang may maibibigay ka, ibigay mo.


“I don’t like having to say that life is short, kasi baka lalo talagang maging short. But the reality is, there’s so much to be done. There’s so much to see.


“Ang daming mga format na hindi magawa dati, hindi ko maintindihan, bakit parang nakaposas ang creativity dati?


“And it’s just some things that I’ve always wanted to do. And the opportunities presented themselves.


“Parang, ‘Korina, gawan mo naman kami ng show!’ Paano ka makakatanggi, hindi ba?


“Kung nandiyan naman, makakabigay ka ng empleyo. Ngayon naman na gusto ko, ‘Oh, one season lang ako,’ hindi mo maiwan. Kasi, mawawalan naman sila ng work. And it’s a good product. So, hanggang kaya ko, gagawin ko naman.”


Ngayon lang kasi hindi eksklusibo ang kontrata ni Korina sa isang TV network kaya puwede siyang tumanggap ng iba tulad sa TV5 bilang host at producer ng TikTalks kasama sina Pat P-Daza, Alex Calleja, G3 San Diego at Kakai Bautista.


Nilinaw din nito ang kumalat na balitang inaalok din siyang magkaroon ng programa sa AllTV.

“Tingnan natin kung naoospital na ako, siguro, ititigil ko na. Pero babalansehin naman ‘yan,” sambit ni Ms. K.


Pero kahit na marami siyang ginagawa bilang host, producer, dedicated wife and mom ay sinigurado niyang kumpleto ang tulog niya.


“I assure you I have 8-10 hours of sleep a day, I pause myself for my mental health, I take very good care of my mental health and wellness all over. Kung wala ako, nandoon ako sa aking clinic.


“I’m very conscious of my mental health kasi I do a lot of work, a lot of thinking, lalo pa ngayon, hindi lang ako talent, producer din ako. I’m happy to make a contribution to people's live at a time in the pandemic that they need it most and to make a contribution to the industry ngayong parang iginagapang pa lang ulit natin ang normalcy,” pahayag ng host/producer.


Ang gist ng TikTalks ay pag-uusapan ng limang hosts ang maiinit na isyu na lalabas sa social media at kani-kanya silang opinyon dito.


Ang mga nabanggit na hosts ay pare-parehong mahilig magbigay ng opinyon kaya natanong kung hindi ba sila nagkakaroon ng samaan ng loob?


“Wala, takot kaming lahat sa isa’t isa. Influencer siya (Kakai), influencer siya (Pat P), siya rin (G3) at siya rin (Alex),” sabi ni Korina.

Dagdag pa, “Ang daming batalyon (G3 at Alex) sa likod nila. Everybody has an army. But honestly, we come to love each other even by distance, nag-click kami, there’s a mutual respect.


"And everybody’s opinion is as good as the other person and you have to learn to respect that, kaya hindi kami nag-aaway.”

Simulang mapapanood ang TikTalks sa Disyembre 3, Linggo, sa TV5 at Radyo Singko 92.3 News FM at replay naman tuwing Linggo, 7:00 PM sa One News na available sa Cignal Channel 250 HD at 8 SD, SatLite Channel 60 at Cignal Play app.


Kasama ni Korina ang manager niyang si Joji Dingcong bilang producer ng TikTalks na taong 2020 pa nabuo ang konsepto at ngayon lang ito mapapanood, kaya nagpapasalamat sila sa TV5 at Cignal.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page