Ayaw pa ring tantanan sa isyung buntis…"AYOKO NA NGANG MABUHAY SA MUNDO" — AJ
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 30, 2022

Kumasa si AJ Raval sa hamon ng mga netizens na magpakita siya nang live para malaman kung buntis ba talaga siya o hindi.
May ilang linggo na nga kasing mainit na pinag-uusapan na nagdadalantao ang sexy actress courtesy of her boyfriend, Aljur Abrenica.
Nitong nakaraang Huwebes, nag-live na nga si AJ sa kanyang Instagram at nagpa-tummy reveal na. Aniya ay nasa set siya ng kanyang latest project at makikita ngang inaayusan siya at nagbabasa ng script habang naka-live.
Kitang-kita sa camera ang flat na flat na tummy ni AJ sa kanyang suot na shorts and sando na parang ipinagsisigawan nga niya na hindi siya buntis.
Maya-maya ay nagbigay na nga siya ng pahayag tungkol sa issue.
“Shout out sa inyong lahat! Huwag na kayong masyadong magpapaniwala sa mga tsismis.
Saka kahit ano'ng gawing eksplanasyon, ‘yung mga galit lang naman maniniwala ru’n,” aniya.
Sabi pa ng aktres sa bandang dulo, “Lagi n’yo na lang akong iniisyu saka inaaway. Ayoko na ngang mabuhay sa mundo. Joke! Lagi n’yo na lang akong ginagawan ng issue.”
Sinabi rin ng aktres na masaya siya sa buhay niya ngayon.





Comments