Ayaw nang pag-aksayahan ng oras… P-BBM, DEDMA LANG SA MGA ARTISTANG KAKAMPINK
ni Nitz Miralles - @Bida | September 16, 2022

Isa sa mga napag-usapan sa ginawang panayam ni Toni Gonzaga kay Pangulong Bongbong Marcos sa bagong show ng una sa AMBS ang mga taga-showbiz na kritiko ni P-BBM. Mas naging open kasi ang mga artista sa pagsuporta kay Leni Robredo na nakalaban ni P-BBM sa pagka-presidente. Ang dami nilang anti-Marcos at kundi man alam ng pangulo, alam sigurado ni Sen. Imee Marcos.
Kaya ‘yun naitanong ni Toni dahil nabanggit ni P-BBM ang creative industry sa kanyang first State of the Nation Address (SONA) noong July.
“That’s their opinion,” ang maiksing sagot ni P-BBM at hindi na nag-elaborate at mas nag-focus sa mga Pinoy talent na hinahangaan sa ibang bansa.
“But again, it’s clear that the creative industry is an important part of our culture, even our image and look abroad. If you go around Asia and you go to the hotels, you go to the bars, ang tumutugtog, laging Pilipino, ‘di ba? We have somehow a special affinity to the performing arts,” pahayag ni P-BBM.
May na-interview kaming aktres na nabanggit na maraming supporters ang mga Marcos sa showbiz, hindi na lang daw nagsasalita at piniling manahimik para maiwasan ang pag-aaway-away at parinigan.





Comments