Ayaw nang bumili ng branded… KRIS, TIPID-TIPID NA AFTER NG BONGGANG KASAL
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | July 18, 2022

Dahil alam ni Kris Bernal kung gaano kahirap kumita ng pera, medyo nagpepreno na rin siyang bumili ng mga luxury items na napakamamahal.
Although may mga branded din siyang bags and shoes, binibigyan na niya ng limit ang paggastos. Marunong na siyang magtipid at mag-budget. Praktikal na siya sa buhay.
Kaya nang may nagustuhan siyang Chanel towel pero ang halaga naman ay P125,000, hindi niya ito binili kahit gustung-gusto niya.
Tiyak daw na mamumulubi siya kapag nahilig bumili ng branded na gamit. Hindi naman 'yun necessity at luho lang.
Hindi niya kayang pantayan ang kabonggahan ni Dra. Vicki Belo na isang Chanel bag na lipstick lang ang kasya ay binili ng almost P1 M.
Well, maraming natutunan si Kris Bernal sa kanyang mister na si Perry Choi. Ginastusan man nila nang malaki ang kanilang kasal, may mga bagay pa rin na dapat ay may nakalaang budget bago bilhin. At mas importante ang kanilang negosyo para sa maganda nilang future.
Ngayon ay nag-e-enjoy sa kanilang vacation abroad sina Kris Bernal at Perry Choi.





Comments