Search
  • BULGAR

Ayaw na uling magdyowa… KRIS, AMINADONG LAHAT NG EX-PARTNER, GALIT SA KANYA DAHIL SA PAGIGING SAKIM

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | January 12, 2021




May ipinost na “He said, She said” si Kris Aquino sa kanyang IG account at FB page noong Linggo nang gabi kasama ang dating mayor ng Quezon City na si Herbert Bautista.


Ang Q&A portion na ito ay ginanap sa Cornerstone office matapos mapagkatuwaan ng staff na gawan sila ng "he said, she said" para makita kung may chemistry sila for future show.


At totoo nga, maganda ang batuhan nila ng tanong sa isa’t isa at hindi maiwasan na magka-kontrapelo sila sa ibang bagay katulad ng tanong na "What is Love for you?"


Sagot ni Kris, “I didn’t believe my mom before, but now I do. She always said that for you to be loved, it has to bring out the best in you. Love should make you want to be a better person and you should want that person to shine.”


“Tama siya, hahaha!" sambit naman ni Bistek, sabay tingin kay Kris na naghihintay din ng sagot, "Love is sacrifice.”


“It shouldn’t feel like sacrifice,” katwiran ni Kris.


“Parang ganu’n, you have to give most of yourself to the person you love,” paliwanag ni HB.


“But because nga dahil love mo, it doesn’t feel like sacrificing anything,” sabi pa ni Kris.


“Parang walang effort na ibinibigay mo,” pahayag ni Bistek.


“Parang it just flows,” sabi ulit ni KA.


Habang umiinom ng kape, sabi ni HB, “Parang natural lang ito, natural lang.”


Say ni Kris, “I didn’t hear that (sabay lingon kay HB na naka-make face).”


Sa tanong naman na "Do you believe in SECOND CHANCES?" mabilis na sagot ni Kris, “No!”


Natawang sabi ni HB, “Wala pa ngang first chance, second chance na kaagad?”


Dagdag pa ni Tetay, “Kung hindi ninyo napa-work sa first time around, there was a reason.”

“Hindi rin,” kaswal na sabi ni HB.


Pero binara ni Kris si Bistek. Aniya, “You have to be married, I’ve been married.”


Tapos, paliwanag nito, “So, sabihin ko lang na ilang times kong tinry? You know when it’s broken and I said this also, once it’s broken, the people trying to pick up those broken pieces and up na pareho silang sugatan. So, ‘pag basag na talaga, let it go.”


“'Pag idinugtong mo ‘yung unang question sa love at saka sa second chances, parang wala kayong pure love?” balik-tanong ni HB kay Kris.


“I don’t think it is love,” saad ni KA.


“Then why marry when it is not love?” tanong ulit ni HB kay KA.


Paliwanag ni Kris, “Because I wanted to…” pero kaagad siyang sinabihan ni HB nang nakatawa na “Because you wanted?”


“I wanted to be married lang,” tanging nasabi ni Kris.


Buti na lang at alalay ang pag-inom sa kape ni Herbert or else baka naibuga niya ito.


Kaya tanong ni Kris, “Bakit, ano’ng masama ru’n? Mali, eh, di ngayon, natuto na. No offense sa mga taong natatamaan, pasensiya na po (sabay lingon kay Bistek).”


“Exactly kaya may co-relation sa first question sa second question. Kasi ang love (sabay muwestra pataas), magkakaiba ang degree ng love. May love ng disi-otso, love ng beinte nuwebe, love ng treinta’y singko, love ng singkuwenta, ‘di ba?” pahayag ni HB.


“Sabi mo sacrifice, but it shouldn’t feel like a sacrifice. But there were portions that I really felt I was sacrificed, same,” pag-amin ni KA.


Sa tanong naman na "What did your past relationship TEACH you?" sey ni Kris, “Not to get into relationships again.”


Birong sagot ni HB, “Parang wala akong natutunan.”


Hindi nagustuhan ni Kris ang sagot ng kaibigan at aniya, ikorek daw ni HB ang sinabi dahil masasaktan ang mga ex nito.


Pero sagot uli ni Bistek, “Parang wala akong natutunan.”


“Mag-ingat ka sa sagot. Ako, inaamin ko that the career path I chose is very selfish. I understand now kung bakit they all ended up hating me,” saad ni KA.


Seryosong sagot naman ng binatang pulitiko, “Ako, natutunan kong maging patient, maging quiet, magsasalita lang ‘pag kailangan para walang away.”


Marami pang pinag-usapan sina Bistek at Tetay kaya mas magandang panoorin ito sa FB at IG account ni Kris or sa Cornerstone Entertainment FB page.


Sana, may part 2 ang “He said, She said” ng dalawa dahil maganda ang chemistry nila at tiyak na maraming matututunan sa kanila.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.