Ayaw na talagang mag-showbiz… DEREK, NAGPA-RELEASE NA SA KONTRATA SA GMA-7
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | September 18, 2022

Dahil sa plano niyang mamahinga muna sa kanyang showbiz career, nagpa-release na nga ang hunk actor na si Derek Ramsay sa kanyang kontrata sa GMA Network.
May isang taon at kalahati pang natitira sa pinirmahan niyang kontrata sa GMA-7. Isang serye pa lang ang kanyang nagawa, ang Better Woman katambal ni Andrea Torres.
Nang magpakasal sila ni Ellen Adarna at dahil na rin sa lockdown dahil sa COVID pandemic, tuluyan nang hindi nakagawa ng anumang project si Derek sa GMA Network.
Naging busy din siya sa ilang negosyo na kanyang itinayo.
Kaya, nagdesisyon si Derek na makipag-usap na sa mga big bosses ng GMA-7 upang tuluyan nang magpa-release sa kanyang kontrata. Wala lang binanggit kung may buy-out na naganap sa natitira pa sana niyang kontrata.
Anyway, grateful si Derek sa mga executives ng Kapuso Network dahil naiintindihan nila ang kanyang sitwasyon.
Sa ngayon ay may malaking project si Derek sa Calatagan, Batangas. Nagpapatayo siya ng mga vacation houses na puwedeng bilhin o upahan ng mga turista.
Nalulungkot naman ang mga tagahanga ni Derek ngayong goodbye showbiz na ang aktor.





Comments