top of page
FRANKLY - MARTIN, FEELING PINARUSAHAN NI LORD KAYA NAGKAANAK NG SPECIAL CHILD-FB Martin Ni

Ayaw matulad sa parents na naghiwalay lang… INAH, PINAYUHAN NI JANICE NA MAKIPAG-LIVE-IN LANG MUNA KAY JAKE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 12 hours ago
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 4, 2026



TEKA NGA - INAH, PINAYUHAN NI JANICE NA MAKIPAG-LIVE-IN LANG MUNA KAY JAKE-IG _inah

Photo: IG _inah



Si Janice de Belen pala ang nag-advise sa anak niyang si Inah na makipag-live-in na muna kung hindi pa siya sure sa relasyon nila ni Jake Vargas. Ilang taon nang magka-live-in ang anak nito at ang aktor.


Ayaw ni Inah na magpakasal noon dahil nagkahiwalay din ang kanyang parents na sina Janice at John Estrada. Pero ngayon, gusto na niyang magpakasal kay Jake. 


Pinaghahandaan at pinag-iipunan na nila ito ngayon. May sarili na silang business.

Sa guesting nina Inah at Jake sa programang Your Honor (YH), hosted by Chariz Solomon at Buboy Villar, naikuwento ni Jake na walang alam sa gawaing-bahay si Inah noong nagsisimula pa lang sila. Kaya, tinuruan niya ito na magluto at maghugas ng mga plato nila.


Buwelta naman ni Inah, napakabagal daw kumilos ni Jake. Kahit na may lindol na ay kalmado ito at hindi natataranta.


Anyway, pagdating naman sa set ng Pepito Manaloto, always on the go si Jake Vargas. Isa siyang mabait at marespetong anak nina Elsa (Manilyn Reynes) at Pepito (Michael V.). Supportive brother din siya kay Clarissa (Angel Satsumi).




SA wakas, nagkabati na rin sina Ai Ai delas Alas at Rosanna Roces a.k.a. Osang. 

Twenty-five years silang hindi nag-usap dahil sa malalim na tampuhan. Taong 2001 pa sila nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan. May ibang dahilan pala ng kanilang pagkakagalit.


Ayon kay Osang, may isang show producer ang kumuha sa kanila ni Ai Ai sa Dagupan, Pangasinan. Nagpagawa ng poster ang producer ng show, pero ipinatanggal ang mukha ni Ai Ai dahil bago ang kanilang show, nag-flop ang show nina Ai Ai at Ara Mina.


Inakala ng Comedy Queen na si Osang ang may gawa nito. Kaya mula noon ay hindi na niya kinausap ang kaibigan.


Makalipas ang dalawang dekada ay saka lang nagkaroon ng pagkakataon sina Ai Ai at Osang na magkita at magkausap. Nagkalinawan sa dahilan ng kanilang tampuhan. 

Sabi nga, all’s well that ends well. Kinalimutan na nila ang nakaraan nilang alitan. Pati ang kanilang mga kaibigan ay masaya sa kanilang pagbabati.


Mas bongga sana kung magkakasama sina Ai Ai at Osang na mag-guest sa isang show. Tiyak na riot ang mga eksena dahil pareho silang jologs.





ISA si Maui Taylor sa mga sexy stars during the ‘90s era na pinagpapantasyahan noon ng mga kalalakihan. Paborito rin siyang i-cover ng mga sexy magazines. 


Malakas ang kanyang sex appeal kahit na petite lang siya at hindi gaanong katangkaran.

Matapos ang ilang taon ng pagpapahinga sa showbiz ay muling magbabalik si Maui, pero hindi bilang isang sexy star, gusto niyang gumawa ng seryosong project para patunayan na marunong siyang umarte.


Maganda pa rin naman si Maui at naalagaan niya ang kanyang katawan. Kung sakaling may manliligaw ay ayaw niya ng mas bata. Malalaki na ang kanyang mga anak at ayaw niyang may isumbat sa kanya.


Wish niya na tanggapin ng publiko ang kanyang pagbabalik-showbiz. At gusto rin niyang makatrabaho muli si Wendell Ramos.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page