top of page
Search
  • BULGAR

Ayaw matulad kay Xian… ATE NI KIM, DUDA SA INTENSIYON NI PAULO

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 6, 2024



Showbiz Photo
Photo: Kim Chiu - Lakambini Chiu - Paulo Avelino

Nagpakatotoo ang ate ni Kim Chiu na si Lakambini Chiu o mas kilala bilang si “Lakam” nang tanungin siya kung boto kay Paulo Avelino para sa kanyang kapatid.


Well, si Paulo kasi ngayon ang ipinapareha at inili-link kay Kim, dahil marami ang nagsasabing bagay sila at may chemistry. 


Boto rin kay Paulo ang mga hosts ng It’s Showtime, pero ang Ate Lakam ni Kim ay hindi gaanong kumbinsido sa nabubuong relasyon nina Kim at Paulo. 


Ang sabi ni Lakam, kailangang kilatisin muna niya si Paulo upang malaman kung sincere ang aktor sa kanyang kapatid dahil ayaw niyang muling masaktan si Kim, tulad ng nangyari sa kapatid kay Xian Lim na humantong sa hiwalayan. 


Gusto niyang bantayan si Kim Chiu na sobrang magtiwala sa mga tao sa kanyang paligid.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page