top of page

Ayaw maalala ang panghahalay sa kanya… SANDRO, INVITED SA GMA GALA 2025, NO SHOW

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 9, 2025
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 9, 2025



Photo: Sandro Muhlach - IG


Invited umano si Sandro Muhlach sa GMA Gala 2025 na ginanap last Aug. 2 pero mas pinili na lang ng aktor na hindi na dumalo sa event and apparently, because of obvious reason.


Sa latest vlog ni Ogie Diaz na Showbiz Update (SU) ay isa ito sa mga napag-usapan nila ng kanyang mga co-hosts.


“To be honest, si Sandro Muhlach ay invited. Pero pinili nu’ng bata na ‘wag um-attend. Kasi una, kung a-attend s’ya, maaalala na naman n’ya,” sey ni Ogie.


Obviously, ang tinutukoy niyang maaalala ni Sandro ay ang masakit na karanasan nito sa GMA Gala 2024 kung saan nga ay inireklamo niya ang diumano’y panghahalay sa kanya ng dalawang independent GMA contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz.


Sey pa ni Ogie, “Pangalawa, pagpipiyestahan na naman s’ya. S’yempre, itatanong na naman du’n, ‘pag may naka-corner sa kanya. ‘O, ano’ng feeling naka-attend ka na naman? Wala bang nag-imbita after Gala?’ So, ayaw na n’yang ganu’n.”


Pero dumalo naman daw ang girlfriend ni Sandro na si Shanelle Agustin sa nasabing Kapuso event.



NAGLABAS ng official statement si Sen. Lito Lapid bilang paglilinaw sa kanyang ‘yes’ vote para i-archive ang impeachment complaint laban kay Vice-President Sara Duterte.


Isa si Sen. Lapid sa 19 senators na bumoto ng ‘yes’ to archive the Articles of Impeachment against VP Duterte sa ginanap na botohan sa Senado last Wednesday, Aug. 6.


Sa official statement na inilabas ng senador/action star last Thursday ay ipinaliwanag niya ang dahilan kung bakit ‘yes’ ang kanyang boto.


“Oo ang ating boto sa pag-archive ng impeachment complaint laban kay Vice-President Sara Duterte dahil sinusunod at iginagalang po natin ang desisyon ng Korte Suprema.


“Ang pag-archive ng Senado sa impeachment case ni VP Duterte ay hindi nangangahulugan na meron o wala s’yang kasalanan. Mas mabuti pa ring mapakinggan at maipaliwanag niya ang kanyang panig sa mga paratang ng House of Representatives,” pahayag ni Sen. Lito.


“Kung sakali man at ma-grant ang motion for reconsideration na inihain ng Kamara sa Korte Suprema, ang inyong Senado ay nakahandang ipagpatuloy ang paglilitis laban sa Bise-Presidente.


“Ang anumang debate sa pagpapatuloy ng paglilitis ay wala pong saysay sapagkat lalabagin ng Senado ang pasya ng Supreme Court. Ang Hudikatura at Senado ay pantay na mga sangay ng ating pamahalaan.


“Gayunpaman, kinakailangan na magkaroon ng checks and balances, kaya nand’yan ang Korte Suprema upang ipaintindi ang Saligang Batas. Walang ibang maaaring umintindi sa 1987 Constitution kung hindi ang Supreme Court,” paliwanag pa ng senador.


“Naniniwala po tayo na ang rule of law at due process ang dapat manaig sa ating bansa dahil kung hindi ay magkakagulo po at masama ito sa ating ekonomiya at matatakot ang mga investors,” saad pa niya.


Sa huli ay umapela si Sen. Lapid sa lahat na irespeto ang desisyon ng Supreme Court at hiniling din na magkaisa para sa katahimikan ng bansa.


“Bagama’t magkakaiba ang ating paniniwala at paninindigan sa isyu, nais ko pong umapela sa magkabilang panig na irespeto natin ang naging desisyon ng Supreme Court at magkaisa para sa katahimikan at pagtugon sa problema ng ating mga kababayan,” aniya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page