top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Ayaw lumabas sa dressing room… ALDEN, PINAGHINTAY ANG MGA KAEKSENA SA SERYE

Writer: BULGAR
BULGAR
May 10, 2023
2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 10, 2023



True kaya na may isang taong malapit kay Alden Richards ngayon na umaakto raw na "high and mighty" at siyang nasusunod umano sa lahat ng ginagawa ngayon ng aktor?!


Ito ang tanong ng batikang manunulat-radio and TV host-vlogger na si Cristy Fermin sa kanyang latest vlog with Romel Chika and Wendell Alvarez na Showbiz Now Na.


Magbuhat daw kasi nang pumasok ang taong ito sa buhay ni Alden ay marami nang hindi magagandang bagay na nangyayari sa buhay ng aktor.


Ang tinutukoy ni 'Nay Cristy na hindi magandang insidente ay ang pagkakaroon ng "Hawi Boys" ni Alden na hinarang-harang ang entertainment press na gustong mainterbyu ang aktor sa isang presscon na naganap kamakailan.


Pangalawa ay may lumalabas daw ngayong issue na noong panahong ginagawa ni Alden ang teleseryeng Start-Up ay nagpapahintay daw ito sa mga kasamahan sa set.


"Na nasa set na raw po 'yung mga kasamahan niya, pero siya (Alden) ay nasa waiting area pa rin o dressing room, hindi pa lumalabas," tsika ni 'Nay Cristy.


Ayon pa sa batikang manunulat, nakarating na raw sa kanya ang pangalan ng taong nagbibida-bidahan kay Alden at kailangan lang daw niyang makausap ang aktor para kumpirmahin ito.


"Kailangan lang naming kausapin pa si Alden Richards, kung gaano katotoo na may isang tao po siyang kasa-kasama ngayon na parang siya ang nagmamando kay Alden," sabi ni 'Nay Cristy.


Ibinunyag din niya na ang taong ito ay may ginawa umanong pambabastos sa isang TV shoot ni Alden.


"Mayroon daw pong sinabihan itong taong ito ng 'Out! Out!'. Hindi ko alam kung alam ni Alden itong pangyayaring ito, pero 'yun po ang kumakalat sa mga ahensiya ngayon.


Sinigawan niya ng 'Out! Out!' 'yung mga agents. Konting respeto lang ang hinihingi nila, parang ganu'n.


"At ito raw taong ito, kapag nasa loob ng dressing room si Alden, ayaw palabasin dahil inaantok, natutulog pa, pagod na pagod. Nagpapahinga pa," kuwento ni 'Nay Cristy.


Ang concern niya ay baka raw hindi alam ni Alden na hindi maganda para sa kanya ang ginagawa nitong taong ito. Kaya naman, may payo siya sa aktor.


"So, kailangan po nating payuhan si Alden Richards na sayang naman, anak, 'yung ilang taon na pagpupunyagi mo. Sayang naman ang pangangarap n'yong mag-ina, na hindi na nga nakita ng mommy mo dahil pumanaw na," ang dagdag pa nito.


Sambit pa ni 'Nay Cristy, "Nakakapanghinayang naman ang panahon na itinutok mo sa trabaho kung wawasakin lamang ng mga tao na nagmamando sa iyo ngayon."


Kasunod nito ay tinawag niya ang pansin ng GMA-7 na baka puwedeng linisin ang mga negative issues kay Alden.


"Puwede na rin nating hingin ang pansin ng GMA-7, 'di ba? Baka puwede n'yo pong linisin itong mga kuwento na ito. Baka naman kailangang kausapin n'yo si Alden kung sino ang taong ito na inirereklamo sa kanyang hanay. Kasi, kalat na kalat na, eh," panawagan ni 'Nay Cristy.


Kilala raw niya si Alden bilang isang mabait, marespeto, magalang at masunuring tao, kaya naman nalulungkot din daw siya sa mga negative issues na naglalabasan sa aktor ngayon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page