Ayaw daw talagang mapanood ang sariling show… JAMES, PINILIT LANG NI YSSA PARA PANOORIN ANG SERYE NILA NI KATHRYN

ni Vinia Vivar @Frankly| September 20, 2026

Photo: IG _pressmanissa
Proud na ibinida ni James Reid na ang girlfriend niyang si Issa Pressman ang kanyang teacher sa mga Tagalog lines sa serye niyang Someone, Someday (SS).
“She’s great. She’s very supportive. Always giving me advice, especially in Tagalog. (She is my) Unofficial Tagalog teacher,” sey ng aktor sa panayam ng ABS-CBN.
Bukod dito, in-encourage rin daw siya ng GF na panoorin ang serye, bagay na hindi niya ginagawa sa kanyang mga proyekto.
“She loves watching it. I actually, I really can’t watch anything that I’m in. I usually go to the premiere night, I see some episodes of a lot of the series I’ve done in the past because people are watching it so I see it. But I can never sit down and watch everything,” sey ng aktor.
Kaya ang SS nga raw ang first show na pinanood niya nang buo dahil kay Issa.
“This will be the first show that I watch everything—beginning to end because Issa’s forcing me to watch it. She said, she’s like, ‘Why not? I’m excited to watch the series again because you’re in it so let’s watch it,’” kuwento ng aktor.
Matatandaang ang Someone, Someday ang comeback teleserye ni James after 10 years. Ito rin ang unang pagtatambal nila ni Kathryn Bernardo na leading lady niya sa series.
Nagkatampuhan dahil sa pulitika…
JULIANA, KINUMPIRMANG BATI NA SILA NI VICE GANDA
Matapos ang ilang taon ng hindi pagkakaunawaan na naugnay sa pulitika, sinabi ni Juliana Parizcova Segovia na okey na sila ngayon ni Vice Ganda.
Matatandaang magkaiba ang sinuportahang presidential candidates ng dalawa noong 2022 elections. Si Vice Ganda ay nagpahayag ng suporta kay Leni Robredo, habang si Juliana naman ay kabilang sa mga sumuporta kay Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr..
Sa isang media interview para sa SMILE o Samahan ng mga Manggagawa sa Industriya ng Live Events, ibinahagi ni Juliana na tuluyan na nilang napag-usapan ang kanilang naging tampuhan.
Ayon kay Juliana, matagal na silang okey ni Vice Ganda at masaya siya na finally ay natapos na ang issue sa pagitan nila.
“Past is past. Napag-usapan na namin,” ani Juliana, na itinuring ding answered prayer ang kanilang reconciliation.
Hindi pa man sila nagkikita nang personal, patuloy umano ang communication nila sa pamamagitan ng Facebook (FB) Messenger. Kuwento ni Juliana, matagal na rin siyang nagme-message kay Vice, kahit naiintindihan niyang busy ito at hindi laging nakakasagot.
Ikinuwento rin niya na malaking bagay para sa kanya nang banggitin siya ni Vice sa segment ng It’s Showtime na Miss Q&A. Para kay Juliana, isa itong magandang senyales na wala na ang dating hindi pagkakaunawaan sa pagitan nila.
Samantala, isang bagong chapter naman ang sinimulan ni Juliana nang piliin siyang maging representative ng SMILE, isang labor workforce group na naglalayong isulong ang proteksiyon at mas matatag na livelihood para sa mga manggagawa sa live events industry.
Para kay Juliana, malaking karangalan ang maging bahagi ng isang grupo na nagbibigay-pansin sa mga manggagawang nasa likod ng concerts, festivals, corporate events at iba pang live productions.
Kabilang sa mga tinututukan ng SMILE ang mga stagehands, technicians, riggers, production assistants, drivers, suppliers, performers at iba pang project-based at freelance workers.
Para kina Atty. Herman Coloma Jr., Terence Jabatan at Prof. Dolores Andres, mahalagang magkaroon ng mekanismo na makatutulong sa workers na manatiling may kabuhayan kahit natatapos ang isang proyekto.
Dahil kadalasang nakadepende sa mga proyekto ang kanilang trabaho, nais ng grupo na magkaroon ng mas malinaw na systems para sa job security, skills training, social protection at workplace safety.
Isa sa mga mungkahi ng SMILE ang pagtatatag ng national industry registry para sa qualified live events workers. Maaari itong maglaman ng kanilang specialization, experience at training upang mas madali silang ma-match sa available projects sa iba't ibang bahagi ng bansa.
Nais din ng grupo na palakasin ang access ng freelance at project-based workers sa programs tulad ng SSS, PhilHealth, Pag-IBIG, insurance at iba pang social protection benefits.
Bukod dito, binibigyang-diin din ang pangangailangan para sa mas malinaw na standards pagdating sa working hours, overtime, contracts, compensation at timely payment.
Mahalaga rin ang occupational safety dahil exposed ang maraming live events workers sa risks tulad ng working at heights, electrical systems, heavy equipment, rigging, transportation at overnight setup at dismantling.
Para kay Juliana, ang pagiging bahagi ng SMILE ay hindi lamang tungkol sa isang bagong role kundi pagkakataon din para gamitin ang kanyang boses para sa mga manggagawa sa industriya.





Comments