top of page
Search
  • BULGAR

Ayaw daw marumihan ang pagkatao… SIGAW NI JAMES: 'DI KO KAYANG MAGING PULITIKO

ni Rohn Romulo - @Run Wild | December 16, 2022




Happy naman kami kay James Blanco (na teen-ager pa lang ay nakakasama at nakakatsikahan na namin dahil sa youth-oriented show ng GMA na Click), dahil hindi lang siya aktor sa Family Matters, isa rin siya sa supervising producers.


Siya raw ang nag-asikaso sa pagkuha kay Direk Nuel, pati sa productions at technical ng movie.


May isa pa siyang kasama at malay daw natin, na baka sa next movies ng CineKo ay maging co-producer na rin si James.


At dahil nasa office siya ni Mayor Enrico Roque (para sa investments and properties), naitanong kung may plano rin ba siyang pasukin ang pulitika?


"Hindi, hindi ko kasi kayang maging pulitiko," may diin niyang sagot.


"Hanggang sa likod lang ako or maging adviser ng pulitiko. Actually, nasa Office of the Mayor ako ngayon, hanggang doon lang ang kaya ko.


"Pero 'yung maglingkod, ayoko kasing mabahiran, alam n'yo naman ang pulitika, parang sa industriya rin natin, gumawa ka ng mabuti, may masasabi pa rin silang masama."


More than two decades na siya sa showbiz at patuloy pa rin sa paggawa ng movies at mga teleserye, samantalang 'yung mga kasabayan niya ay halos waley nang career. Ano kaya ang sikreto niya?


"Pakikisama lang naman ang sikreto d'yan," sagot ng aktor na flawless pa rin at alagang-alaga ang katawan.


"Wala namang iba, habang buhay mong gagawin 'yun dito sa industriya natin, ang walang tigil na pakikisama."


Dagdag-payo pa niya lalo na sa mga young stars, "Siyempre, 'wag lalaki ang ulo mo, ano man ang narating mo at gaano ka man katagal sa industriya."


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page