Ayaw daw magkamali uli, Isko… DIEGO, 'DI PINIPILIT SI JD NA PAKASALAN ANG ANAK NIYA KAHIT NABUNTIS
ni Nitz Miralles - @Bida | August 20, 2022

Pareho ng pahayag sina Isko Moreno at Diego Castro na masarap ang pakiramdam nila nang unang makita at makarga ang unang apo nilang pareho sa mga anak nilang sina Joaquin Domagoso at Raffa Castro.
Na-interview na tungkol dito si Isko at inangkin pa nga na kamukha niya ang apo na si Scott.
Sa interview ni Ogie Diaz kay Diego na naka-upload sa YouTube channel ng una, sinabi nitong masarap ang pakiramdam nang mahawakan na si Scott. Naalala niya ang tuwa ng parents niya nang mabigyan niya ng maraming apo.
Hindi pa kasal sina Joaquin at Raffa, kaya natanong si Diego kung may balak bang magpakasal ang dalawa? Hindi raw niya pine-pressure ang dalawa na magpakasal agad, although, natanong na siya sa kanyang opinion.
“Sabi ko, 'It’s up to you.' Sabi ko kay JD, 'It’s because you got my daughter pregnant, you are not forced to get married. When you are ready.' I don’t want them to commit the same mistake.”
Nabanggit din ni Diego na hindi pa rin sila nagkikita at nakakapag-usap ni Isko. Dapat nagkita na sila, kaso naging busy si Isko sa kampanya at nagbakasyon pa sa Europe.
Siya naman, busy sa pagiging broadcaster. Hindi magtagpo ang schedule nila, kaya si Joaquin ang madalas niyang nakakausap.





Comments