top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Ayaw daw magkakain… CLAUDINE, TALO BILANG KONSEHAL, KATAWAN BUMAGSAK

BULGAR
Jun 23, 2022
2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | June 23, 2022



Ganap nang dalaga ang eldest child ni Claudine Barretto na si Sabina. Last Tuesday (June 21), Sabina turned 18.


Isang madamdaming message para kay Sabina ang ipinarating ni Claudine sa kanyang Instagram kahapon with matching dalawang pictures nila ni Sabina na magkasama.


"To my firstborn, my 1st daughter, my life. Happy, happy 18th birthday @sab_barretto. I thank you so much for making me a mother. The moment I held you in my arms I knew that we were meant to be. That you were mine. How I remember that moment like it was yesterday," panimula ng mensaheng caption sa IG post ni Claudine.


Kahit adult na si Sabina, mananatiling baby pa rin daw siya ni Claudine.


"Now that you are an adult, know that you will always be my baby. I cannot promise you that I will solve all your problems but know that you will never have to face them alone. I will forever be here for you, whether you like it or not. It’s an honor to be your mom. I love you more than you’ll ever know,” say pa ni Claudine.


Nag-post naman ng kanilang pagbati kay Sabina ang mga celebrity friends ni Claudine gaya ng singer na si Donna Cruz at si Assunta de Rossi na ninang pala ng panganay ni Clau.


Days before Sabina’s 18th birthday, nag-celebrate rin sina Claudine ng 7th birthday ng isa pa niyang anak na si Quia Aryanna last June 13.


Si Quia ang ikatlong anak ni Claudine, sinundan niya ang tunay na anak ni Clau kay Raymart Santiago na si Santino (Saint). Pagkatapos, may isa pang anak si Claudine, bunso at ikaapat na anak niya, si Noah.


Adopted children ni Claudine sina Sabina, Quia at Noah.


Samantala, true ang tsika sa amin ng isang close friend ni Claudine na pumayat ang aktres. Bagama't ‘di naman tulad ng dati niyang katawan nu’ng aktibo pa siya sa showbiz, mas maliit na siya kumpara noon.


Ayon pa sa close friend ni Claudine na ayaw magpabanggit ng pangalan, may kinalaman sa pagkatalo ng aktres last election ang kanyang pagpayat.


Labis daw naapektuhan si Claudine sa pagkatalo niya when she ran as councilor sa Olongapo City.


Pang-16th ang ranking ni Claudine, eh, sampung seats lang for councilors meron para sa lone district ng Olangapo City.


Hindi raw nagkakakain si Claudine after election, kaya hayun, nabawasan ang kanyang timbang.


Kita naman sa IG post ni Claudine na mukhang pumayat nga siya. Kaya lang, may mga anggulo siya na tila may “something” sa kanyang mukha.


Kunsabagay, wala namang masama kung may ipinagalaw o ipinaayos sa mukha niya si Claudine. Kailangan niya ‘yun sa kanyang work especially if she’s desperate to be more active sa showbiz.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page