Ayaw daw mag-gender reveal pero… IZA, IBINULGAR NA BABAE ANG IPINAGBUBUNTIS
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 30, 2022

Apat na taon nang kasal sina Iza Calzado at Ben Wintle bago nagbuntis ang aktres.
Nu'ng una ay ayaw niyang i-reveal kung ano ang gender ng kanilang anak dahil para sa kanya, isa 'yung secret expression at privacy nilang mag-asawa.
Pero sa long heartfelt message niya sa inang 21 years nang namatay ay nabanggit niyang siya ay meron nang "A little Mary Ann, a little Iza."
Ibig sabihin, baby girl ang magiging anak nina Iza at Ben.





Comments