Ayaw daw ma-stress… ANNE, DEDMA NA SILA NI ERWAN ANG POWER COUPLE NA MAGHIHIWALAY NA
- BULGAR

- Feb 7
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | February 7, 2026

Photo: IG _erwan
“Ang taray naman ng power couple,” ito ang naging reaksiyon ng It’s Showtime (IS) host na si Anne Curtis sa pagkakadawit nila ng asawang si Erwan Heussaff sa isang trending blind item tungkol sa isang power couple na nagbabadya umanong maghiwalay.
In fairness, ang saya ng naging ganap sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) kamakailan nang mag-guest ang aktres.
Unang tanong ng mahusay na TV host, “Ang tanong ko, ‘pag napapanood ko kayo separately, nag-aaway ba ang dalawang ‘to?”
Sey ni Anne, “Oo naman. I think normal lang naman sa isang relasyon. Usually, it’s about really petty things, ‘yun ‘yung mga pinag-aawayan namin. And in fact, si Erwan pa ‘yung type na ‘di talaga s’ya nakikipag-away.”
Hirit ni Boy, “Mas mahirap ‘yun.”
Sey ni Anne, “So it’s like calm and crazy. It kinda works out because we’re never clashing ever. Like never nangyaring nagsigawan or anything like that. I think that’s why we’re so compatible because he’s the calm to my crazy.”
Tanong ni Boy, “Selosa ka pa rin?”
Sey ni Anne, “Not so much. I think as you age, nawawala ang lahat. And Erwan also is not.”
Simple pero nakakatawa ang naging reaksiyon ni Anne nang mabanggit ni Boy ang tungkol sa trending blind item ng isang power couple na nagbabadya umanong maghiwalay, at nasabi ring nabanggit ang pangalan nilang mag-asawa na diumano’y kasali rito.
Sey ni Anne, “Ang taray naman ng power couple. I don’t know if I would consider Erwan and I a power couple, but thank you for considering us.”
Tanong ni Boy, “Now that you’ve heard about it from me, how do you react?”
Sey ni Anne, “Wala. Alam mo, like I’ve been in the industry for so long and so many controversies have come my way. And I still live by that same motto I came up with years ago: learn the art of deadma. Don’t stress about it because I feel like when you stress about things, and I’m speaking from experience, sometimes it manifests in your body. So why do you do that to yourself, ‘di ba?”
Dagdag na tanong ni Boy, “Si Dahlia, Anne, ‘di naghahanap ng kapatid?”
Sey ni Anne, “Po? I think yes. She wants it. So far, sabi n’ya, gusto n’ya.”
Tanong ni Boy, “How do you respond?”
Sey ni Anne, “I always say maybe one day. If God blesses us with it, then why not, right?”
Well, maganda ang lahi nina Anne Curtis at Erwan Heussaff kaya dapat lang na magdagdag pa sila ng anak, ‘di ba naman, madlang people?
Past is past sa mag-ex…
XIAN, GAME ULI KAY KIM
“IT’S such a blessing na eto po ‘yung mga artists that we’re working with dahil they’re all so passionate,” ang pahayag ng actor-director na si Xian Lim sa presscon ng upcoming Viva One series adaptation na Project Loki (PL).
Napahanga si Direk Xian sa members of the cast ng nasabing series dahil sa galing kung paano nagbigay ng sariling interpretasyon at pag-unawa sa kani-kanilang role.
Kuwento ni Direk Xian, “Ang dami kasing inilalagay na layers. Everyone is very curious, matanong in terms of how they should deliver, and they have their own take on how they want to portray the characters.
“They would all have their versions. It’s hard, pero everyone’s game. ‘Yun ‘yung energy na nakukuha ko sa cast.
“Of course, they’re the new generation of stars. How is Dylan? How is Jayda? Masipag ba sila? Are they the type na gagawin lang nila ‘yung nakasulat, tapos uwi na? Even for all the new ones, at first it’s very intimidating kasi paano nga ba? How do they work?
“‘Yun ‘yung mga challenges, but showing the right attitude, coming into the set prepared. Ayaw nilang umuwi, gusto nilang magtrabaho. We have the perfect canvas to paint on.”
Samantala, sa panayam ay natanong ang guwapong direktor kung willing ba siyang magkaroon ng project kasama si Kim Chiu.
Sey ni Direk Xian, “Any project will do. Wala naman pong ano. ‘Di ba, parang we just want to do our job, we just want to be able to do films.”
Natanong din si Direk Xian kung willing ba siyang idirek si Kim kung sakaling magkaroon ng pagkakataon.
Sey ni Direk Xian, “Of course. Oo naman.”
Well, ang Project Loki ay pinagbibidahan nina Dylan Menor, Jayda Avanzado, Marco Gallo, Yumi Garcia, Martin Venegas, Kurt Delos Reyes, Michael Keith, Iven Lim, Love Yauco, at Ashley Diaz.





Comments