top of page

Ayaw daw lokohin ang sarili… REGINE, TANGGAP NA ‘DI NA SIYA SIKAT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 24, 2024
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Nov. 24, 2024



Photo: Regine Velasquez-Alcasid - Instagram


Tanggap na tanggap ni Asia’s Songbird Regine Velasquez na hindi na niya panahon ngayon at ayaw na niyang makipag-compete pa sa mga younger artists.


Nag-post ng video si Regine sa kanyang TikTok kung saan ay ipinaliwanag niya sa mga netizens and fans ang kanyang saloobin hinggil sa estado ng kanyang career ngayon.


Nagsalita si Songbird sa gitna ng pag-alma ng kanyang mga fans tungkol sa billing niya sa poster ng MYX Music Awards 2024 kung saan nga ay nasa huli sa ibaba ang kanyang pangalan.


“So today, I wanted to talk to you about me saying it's no longer my time, because for some reason, people get upset whenever I say that,” simula ni Songbird na nakasuot pa ng bathrobe at mukhang kaliligo lang.


"Don't panic, don't be upset, it's not a bad thing. I'm just being realistic because it's true, it’s no longer my time.


“That means I can no longer compete with the young ones. Come on, I’m 54 years old. I have been in the industry for almost 40 years and I have been singing all my life.


“And the truth is, even if I still can compete, I really don’t want to anymore,” patuloy niya. 

Mas gusto na lang daw niya ngayong i-enjoy ang kanyang buhay at ang respeto na ibinibigay sa kanya sa industriya.


“Galing akong singing contest and half my career, feeling ko, kailangan kong mag-compete, kasi ine-establish ko ‘yung sarili ko. I don’t wanna do that anymore. 


“Sa ngayon, ine-enjoy ko ‘yung life ko. Ine-enjoy ko ‘yung respect na nakukuha ko from my peers. Hindi mo basta-basta nakukuha ‘yun, ha? It's not just given to you for no apparent reason. You earn that and I love that I inspire other artists,” aniya.


“Really, I consider myself as a mentor now. I love mentoring new artists. That’s why ‘pagka tinatanong nila ako kung puwede akong mag-guest sa concert nila, I’m there.


“Kasi gusto ko ring bigyan sila ng mga pointers, kasi nagtatanong din naman sila. At minsan, kahit hindi nga sila nagtatanong, ibinibigay ko pa rin, unsolicited advice,” saad niya.


Ayon pa sa OPM singer, nandito pa naman daw siya at ine-enjoy pa rin naman niya ang kanyang career.


“I just don’t want to fool myself na nasa prime pa ako. Ayoko ‘yun because I think that would be very, very painful for me. And ayokong magising na isang araw na ito na ‘yung magiging reyalidad ko.


“Okay na ‘yung aware ako where I am in the industry. I think it’s very healthy. I think it’s right, ‘di ba? And like I said, I’m still here. I’m doing a concert in February. I’m coming out with a new album, right?


“So I’m still doing what I love most, which is performing, singing, and doing other things,” pahayag pa ng misis ni Ogie Alcasid.


Magdyowa na raw, Bea, Javi…

DOMINIC AT SUE, APRUB SA NETIZENS





Ibinalita ni Ogie Diaz sa kanyang vlog na ayon daw sa kanyang source ay mag-on na sina Sue Ramirez at Dominic Roque.


Matatandaang nagsimula ang espekulasyon na may relasyon ang dalawa nang mag-viral ang video nila na naghahalikan sa isang bar sa Siargao.


Mas lalo pang umingay ang issue nang mamataan sila ulit na magkasamang naglalakad sa Siargao pa rin.


Kaya sey ni Ogie, hindi na raw kataka-taka kung talagang mag-on sina Sue at Dominic dahil nga namataan nang naghahalikan.


“Sabi ng aking source ay mag-on na raw ang dalawa at hindi lang n’ya sure kung gaano na sila katagal. Basta ‘yun ang ipinarating sa ‘tin,” ani Ogie.


Hanggang ngayon ay wala pang kumpirmasyon or denial sina Sue and Dominic tungkol sa rumored relationship nila. But kung totoo man, wala naman din kaming makitang masama since pareho silang single at ito rin ang pananaw ng mga netizens.


So far ay wala naman kaming nababasang negative comments kung totoo ngang may relasyon sina Sue Ramirez at Dominic Roque and in fact, happy nga ang mga netizens for both of them.

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page