top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

AWRA, NAKAPAGPIYANSA KAHIT SABADO, LAYA NA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 3, 2023
2 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | July 3, 2023



May kinalaman kaya si Vice Ganda na tumatayong manager ng batang komedyante na si Awra Briguela kaya napabilis ang pansamantalang paglaya nito pagkatapos magpiyansa ng P6,000 nitong Sabado, 9:30 PM?


Ang isa pa ay ang tinaguriang “Lalaking Marites” na si Xian Gaza na vocal namang nagsabing bibigyan niya ng abogado at pampiyansa si Awra.


Marami ang nagtaka dahil Biyernes dumaan sa inquest proceedings si Awra at Sabado ay nakalaya na ito.


Nauna na kasing nagsabi ang Southern Police District na sa susunod na linggo pa makakapagpiyansa si Awra, kasi nga, Biyernes pa lang siya nasa Makati City Prosecutors Office.


Matatandaang hinuli si Awra nitong Huwebes nang madaling-araw dahil sa rambulang naganap sa isang bar sa Poblacion, Makati City.


Ang rason ng mga friends niya ay ipinagtanggol daw ni Awra ang mga kaibigang babae kasi hinipuan sila. Pero base naman sa inilabas na closed-circuit television o CCTV footage ng nasabing bar ay kitang-kita kung ano ang nangyari sa loob ng bar na pilit na ipinahuhubad ng batang komedyante ang pantalon ni Mark Christian Ravena at nang hindi ito nangyari ay hinila ang t-shirt hanggang sa mapunit na.


Umiwas na si Mark at lumabas na ng bar pero hinabol siya ni Awra kahit pinipigilan siya ng mga bouncer.


Kitang-kita kung gaano kalakas ang batang komedyante hanggang sa nagpang-abot na sila sa labas ng bar at dito na nagkaroon ng rambulan sa pagitan ng mga kaibigan ng magkabilang panig.


Timing na nagpapatrulya ang mga pulis at naaktuhan si Awra kaya’t siya ang dinampot at dinala sa Makati City Police Station na nakunan din ng video kung paano siya sumagot nang pabalang sa mga otoridad kaya siya sinampahan ng mga kasong physical injuries, disobedience to authority, direct assault, alarm at scandal.


Samantala, may mga nabasa kaming komento na hindi na sila nagulat sa lumabas na CCTV footage ng bar bilang patunay kung sino talaga ang maysala sa nangyaring rambulan.


May mga nagsabi ring kapag nakainom na ay itulog na lang para walang gulo.


Bukas ang BULGAR sa sagot nina Vice at Xian kung may kinalaman sila sa mabilisang pansamantalang paglaya ni Awra.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page