top of page
Search
  • BULGAR

Awra, nadala na nang makulong

ni Eli San Miguel @Entertainment | May 5, 2024




Nagbahagi ang 20-anyos na si Awra Briguela ng kanyang mga natutunan mula sa kinasangkutan niyang rambulan sa Poblacion, Makati, halos isang taon matapos ang insidente.


Sa latest vlog ni Vice Ganda na pinamagatang "My SpaghetTEA with Awra," ikinuwento ng aktres ang kanyang naging karanasan.


"I'm getting better, I'm getting stronger, I owned up to my mistakes," pahayag ni Awra.

"Noong nakulong ako, parang hindi ko pa rin siya ma-realize na nangyayari na sa 'kin 'yun," paliwanag niya.


Ayon kay Awra, hindi siya ang uri ng tao na nagpapakita ng kahinaan sa harap ng kanyang mga mahal sa buhay.


"Kaya after what happened, kahit nakauwi na ako, lugmok na lugmok ako, umiyak na ako, 'yun 'yung time na hindi ko na kaya," aniya.


Sa vlog, sinabi ni Vice na nakikita niyang mas maayos na ang kalagayan ngayon ni Awra.

"Alam naman nating lahat, ikaw din, na lahat kayo nagkamali," pahayag ng "It's Showtime" host.


"Lahat kayo may sobra at pagkukulang. Inamin mo naman 'yun," dagdag niya.


Matatandaang noong Hunyo ng nakaraang taon, dinala si Awra sa police station sa Makati matapos siyang masangkot sa isang rambulan sa labas ng The Bolthole Bar sa Poblacion. Nakalabas naman siya dahil sa piyansa isang araw matapos ang insidente.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page