AWRA, INIWAN ANG PAMILYA PARA SA MGA BARKADA
- BULGAR
- Jul 11, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 11, 2023

Ayon kay Ogie Diaz, nabunyag ang pagsisinungaling ni Awra Briguela sa kanyang ama nang mabalita ang pagkakasangkot nito sa rambulan sa isang bar sa Makati.
Ang buong akala kasi ng tatay ni Awra ay nakatira ang komedyante sa condo unit ni Vice Ganda dahil ito nga ang tumutulong sa career ng anak. At ‘yun din daw kasi ang paalam ni Awra nang umalis siya sa poder ng kanyang ama.
Anim na buwan na ang nakalilipas nang bumukod ito ng tirahan at napag-alaman na ang mga barkada pala ang kasama niya.
Wala rin daw kaalam-alam si Vice sa ginawang pagsisinungaling ni Awra sa kanyang ama. Kaya for sure, one of these days ay maghaharap at mag-uusap ang mag-ama tungkol sa isyung ito.
Bukod doon, may tsika pa si Ogie na may isa sanang bagong show na gustong kunin si Awra pero hindi na nga matutuloy dahil sa iskandalong kinasangkutan nito kamakailan.
Alam ng mga producers na hindi agad-agad mabubura ang negative image ni Awra sa madlang pipol dahil sa nangyari at talagang apektado na rin ang kanyang career.
Kaya dapat ay may matutunan siyang leksiyon sa mga pangyayaring ‘yun. Hinayaan kasi niyang umakyat sa ulo ang kasikatan at madali siyang nalunod sa isang basong tagumpay.
Ang kailangang gawin ni Awra ay ingatan ang kanyang image kapag nasa mga public places.
Tiyak na maging ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community ay hindi siya kakampihan at kukunsintihin sa mga maling gawain niya.








Comments