top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Away nina P-Digong at Pacman, mas gumagrabe pa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 3, 2021
  • 2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | July 03, 2021



Nagsilikas na ang mga tao sa paligid ng Bulkang Taal.


Panibagong krisis ini!


◘◘◘


GUMAGRABE ang away nina P-Digong at Pacman.


Mahirap awatin ‘yan!


◘◘◘


NAGKAKALATAY si Inday Sara sa away ng kanyang tatay at ng anak ni Aling Dionesia.


Paano kaya kung makisali si ex-Speaker Alan Peter Cayetano?


Dagdag-latay ‘yan sa kandidura niya!


◘◘◘


SA totoo lang, ang makikinabang sa pagbanat sa Duterte Administration ay ang oposisyon.


‘Yan ay kung hindi rin sila mag-aaway-away!


◘◘◘


NANG manalo si P-Digong mula sa malayo, ang talagang tinadtad ng bomba ng Liberal Party ay ang dating no.1 sa survey na si ex-Vice-President Jojo Binay.


Bumagsak si Binay, pero hindi si LP bet Mar Roxas ang nagwawagi — kundi ang pakuya-kuyakoy na si P-Digong!


◘◘◘


MAUULIT ang kasaysayan, tatadtarin ng upak ang no.1 sa survey na si Mayor Sara, pero hindi ang direktang kritiko ang magwawagi kundi kung sino ang “nakatameme mula sa likuran”.


Kailangang matuto tayo sa maruming eleksiyon sa Pilipinas.


◘◘◘


PAANO kung hindi si Mayor Sara ang ikakandidato ni P-Digong?


Aba’y tama ‘yan, maililigtas niya sa kritiko ang sarili niyang administrasyon!


◘◘◘


MAS praktikal na isabak niya sa panguluhan ay si ex-Sen. Bongbong Marcos.


Bagaman, tatadtarin ng kritiko si Marcos, pero tiyak na hindi madadamay ang Duterte legacy!


◘◘◘


IDEDEDMA lang ni Marcos ang mga kritiko dahil higit nang 30-taong inuupakan ang mga Marcos, pero parehong nagwaging senador ang magkapatid na sina Bongbong at Imee.


Nagpapatunay itong hindi pinaniniwalaan ng mga botante ang paninira sa Pamilya Marcos!


◘◘◘


PUWEDE ring iedorso si Mayor Isko, pero walang ganyang tsismis ngayon dahil mas nahahanay si Yorme sa oposisyon imbes na sa maka-Duterte.


Malabong isabak si Sen. “Bong” Go dahil tatadtarin sila ng mga kritiko!


◘◘◘


KAPAG sinira nina Sen. Pacquiao si P-Duterte ang isa’t isa, pareho silang mawawasak — walang makikinabang sa kanilang dalawa.


Makikinabang dito ay ang oposisyon!


◘◘◘


DAPAT sikapin ng oposisyon na manatiling buo at magkaisa sa kandidato.


Manonood na lang sila kung paano bugbugin ni Pacquiao ang Duterte Legacy—at presto, tapos ang laban!


◘◘◘


KAPAG hindi tumigil si Pacman sa pagiging kritiko, sa kalaunan ay matututo na siya at magiging bihasa.


Ibig sabihin, sa aktuwal na laban siya matututo sa larangan ng maruming pulitika sa Pilipinas!


◘◘◘


HINDI sa kolehiyo o eskuwelahan matututo si Pacquiao sa larangan ng pulitika, bagkus ay sa actual exposure.


Siyempre, ihanda niya ang sarili sa katakut-takot na black-eyed at pasa sa katawan.


Ganyan talaga ang buhay ng “fighter”!


◘◘◘


ALAM ni Pacquiao na may katapat na sakit ng katawan ang bawat suntok sa kalaban.


At ‘yan ay aktuwal niyang mararanasan!


◘◘◘


MAAARING matalo si Pacquiao sa 2022, pero hindi nangangahulugang hindi niya matutupad ang pag-upo sa Malacañang sa hinaharap.


Walang imposible, dapat niyang maranasan ang aktuwal na “political war” — ‘yan ang maghahasa sa kanya bilang totohanang lider ng bansa!


◘◘◘


WALANG tagumpay na hindi pinaghihirapan.


At walang duda, daraan siya sa butas ng karayom bago matupad ang kanyang panibagong ambisyon sa buhay!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page