top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

ROBIN, NAKIKISAKAY LANG, T-SHIRT NI JINGGOY ANG IPINAMIMIGAY SA KAMPANYA

  • BULGAR
  • Apr 10, 2022
  • 2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | April 10, 2022




Pati kami ay naawa kay Robin Padilla sa ikinuwento ni Mariel Rodriguez sa vlog ni Ogie Diaz.


Tumatakbong senador si Binoe ngayong Halalan 2022 at inamin ni Mariel na wala talaga silang budget para sa kampanya. Napaiyak ang dating TV host nang ikuwento niya na nakikisakay lang daw ang kanyang asawa sa float ni Jinggoy Estrada dahil wala itong sariling float.


“Na-touch ako ‘pag kung minsan, pupunta siya sa mga rally, kasi wala siyang float, nakiki-float lang siya. Nag-float siya kay Jinggoy (Estrada). Tapos, alam mo (ang) ginawa ni Robin, isinuot niya ‘yung t-shirt ni Jinggoy at saka ‘yung cap ni Jinggoy.


“Eh, tumatakbo rin siya as senator. Pero ganu’n siya kabait. Siya pa nagte-thank you kay Jinggoy kasi pinasakay siya ni Jinggoy du’n sa float niya. Kasi wala siyang sariling float,” emosyonal na kuwento ni Mariel.


Bagama’t alam naman daw niya na matagal nang kaibigan ni Robin si Jinggoy, nagulat pa rin siya na makitang ang ipinamimigay ng asawa niya ay hindi t-shirt nito kundi kay Jinggoy, gayung pareho silang tumatakbong senador.


“Yeah, ‘yung ipinamimigay niyang t-shirts, hindi kanya. Sabi ko, ‘Eh, bakit ka nandiyan?’ Alam mo ‘yun? Nandu’n siya para mag-promote kay Jinggoy. Oo, ganu’n. Ganu’n siya,” kuwento ni Mariel.


Kaya naman daw sobrang proud na proud siya kay Robin at kahit ano raw talaga ang mangyari, mananatili siyang nasa likod nito.


“We love you. We are so, so, so, so proud of you and we are behind you all the way, no matter what. Matalo, manalo, hindi kami mapapahiya. Alam mo ‘yun?


“Kung matalo, it wasn’t meant to be for us. That’s okay. Alam mo ‘yun? We’ll continue. That’s okay.


“Kung manalo siya, we are with you all the way and we are supporting you. Kung anuman ‘yan na kailangan mong gawin para diyan, don’t worry, we will understand,” ang mensahe ni Mariel kay Binoe.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page