top of page

Awang-awa raw sa ex-GF na walang dyowa… “MINSAN KASI, MAY BIRA D’YAN KAY KRIS, EH… NA UMAARTE LANG” — ANJO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 24
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 24, 2025



Photo: Anjo Yllana - Snooky Serna YT



Sa kauna-unahang pagkakataon ay inamin ni Anjo Yllana na nagkaroon sila ng whirlwind romance ni Kris Aquino na umabot lang ng 3 weeks.


In-interview ni Snooky Serna si Anjo para sa kanyang YouTube (YT) vlog at dito ay tinanong niya ang aktor about Kris dahil na-link daw ang dalawa for a while.


“Yeah, we had 1 or 2 movies, tapos naging kami for a while,” pag-amin ni Anjo na ikinagulat din ni Snooky.


“Ngayon ko lang ikukuwento ‘to, tutal matagal na ‘to, eh. ‘Ay, Mare!’” sabay-bati kay Kris sa camera. 


Pahabol niya, “Kumare ko ‘yan, si Kris, inaanak ko si Joshua.”


Kasunod nito ay idinetalye na ng aktor ang kanilang naging relasyon ni Kris.

“Natatawa ako nu’ng araw, ‘pag babalikan, ‘wag sanang magalit si Ms. Kris. Nu’ng medyo kami pa… ano lang naman kami, parang 3 weeks.


“Nag-break kami ni Kris kasi minsan, dumalaw ako sa kanya, nagdala ako ng flowers. ‘Yung flowers ko, parang galing Baguio,” sey niya.


Pero may nagpadala rin daw ng roses kay Kris kaya tinanong niya kung kanino ito galing.

Kuwento niya, “May matataas na stem na roses na alam mong galing sa ibang bansa. Sabi ko, ‘Kanino galing ‘yang roses na ‘yan?’ Sagot niya, ‘Oh, it came from Robin (Padilla).’


“Sabi ko, ‘Nanliligaw ba sa ‘yo si Robin?’ (Sagot ni Kris) ‘Oh, he’s my boyfriend.’ ‘Huh! Boyfriend mo si Robin, boyfriend mo rin ako?’”


Sagot daw ulit ni Kris, “Yeah, including Aga (Muhlach),” tawa nang tawa si Snooky sa rebelasyon ni Anjo.


Patuloy ng aktor, naloka siya sa sinabi ni Kris kaya tinapos na niya ang kanilang relasyon.

“So, nabaliw ako nu’n. Alam mo, nabaliw ako nu’n. Sabi ko sa kanya, ‘Ikaw, baliw ka, eh. Alam mo, maging magkaibigan na lang tayo kasi, wala, walang mangyayari sa atin nito.’

“Hanggang sa naging super close, best friend ko ‘yang si Kris. Panahon ni Kuya Ipe (Salvador), nandu’n ako para sa kanya.


“‘Yung pagbubuntis n’ya (kay Joshua), I was there. I was telling her, ‘Alam mo, si Kuya Ipe, hindi na tatanggapin ng pamilya mo kasi nagkaroon ng asawa’t hiwalay.’


“But sabi ko, ‘Your child, imposibleng hindi tanggapin ni mommy mo, si Tita Cory, imposibleng hindi tanggapin ng mga kapatid mo kasi dugo nila ‘yan,’” kuwento ni Anjo.

Dahil nga naging mabuti silang magkaibigan ay kinuha siya ni Kris na ninong ni Joshua. Subalit nasira raw ang friendship nila because of Joey Marquez na nakarelasyon ni Kris noon.


“Nagkahiwalay kami ng landas nu’ng nag-away sila ni Joey Marquez, remember that, malaking issue ‘yun. Malaking gulo ‘yun.


“S’yempre, kinampihan ko si Joey. Wala na, ‘di na ako friend ni Mareng Kris. Pero ‘pag nagkikita naman kami kunwari sa eroplano, sabi n’ya, ‘Hi, Pare,’ ganu’n lang,” pag-alala ng aktor.


Of course, alam niya ang pinagdaraanan ni Kris ngayon sa kalusugan, kaya naman, may mensahe si Anjo para sa kanya.


“Sa pinagdaraanan n’ya ngayon, kahit may ilang taong tinitira s’ya sa pinagdaraanan n’ya, ‘I think more than 90% ng sa showbiz, mahal ka ng industriya. Kaya ‘wag mong isipin na lahat ng taga-showbiz, hindi ka gusto.’


“Mahal ka ng mga taga-showbiz at naiintindihan nila ‘yung kalagayan mo. Kasi minsan kasi, may bira d’yan kay Kris, eh... na umaarte lang.


“‘Yun lang naman. Keep strong, keep fighting,” saad ni Anjo.

“Kawawa naman si Mare, dalawa ‘yung anak n’ya, wala na nga s’yang love (dyowa), ‘di ba?” dagdag pa ng aktor.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page