top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Awang-awa, inampon lahat… JONA, P70 K KADA BUWAN ANG GASTOS SA MGA ALAGANG 40 PUSA AT 30 ASO

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 16, 2022
2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | July 16, 2022



"AMAZING Jona" na ang tawag namin sa mahusay na singer na si Jona pagkatapos niyang i-reveal ang 70 alaga niyang hayop!


Imagine, may kasamang 40 pusa at 30 aso si Jona sa kanyang bahay, huh?


Nagsimulang mag-alaga ng hayop si Jona nu'ng may isang pusa na tuwing dumarating siya ng bahay ay sinasalubong siya. Hanggang sa ipinasok na niya ang pusa sa loob ng bahay nila dahil naawa rin daw siya kapag nauulanan sa labas at minsan, sobrang init.


Bukod doon, may nang-aaway pa raw na adult cat sa pusang sumasalubong sa kanya.


Pagkatapos ay marami nang ni-rescue si Jona na mga alagang pusa at hayop na pakalat-kalat sa kalsada.


"Nagkasya naman po sila sa bahay ko. Nagawan ng paraan," masayang tsika ni Jona sa amin habang nagpapahinga sa CaSoBe Calatagan South Beach kahapon.


Sila ang isa sa mga dahilan kaya kailangang magtrabaho nang husto ni Jona.


Nalurkey kami sa ini-reveal niya na umaabot sa P70K a month ang ginagastos niya sa pagkain pa lang ng mga alaga niya. Wala pa d'yan ang gastos kapag may nagkakasakit at dadalhin niya sa vet clinic, huh?


Kapag naiisip nga niya kung gaano kalaki 'yung nagagastos niya, naiisip daw niyang magtayo ng sarili niyang vet clinic. And she's taking that thought seriously.


"Ang fulfillment ko po na nakukuha ko rito ay 'yung siguro po, napa-practice ko 'yung simpatya at empathy natin hindi lang sa mga tao kundi pati sa ibang creatures.


"Kasi kumbaga, sila 'yung kino-consider natin na voiceless na creatures, 'di ba? So, sino pa ang tutulong sa kanila kundi tayong mga tao na marunong mag-isip at may puso for those kind of creatures. So, I think, 'yun po ang fulfillment na 'yung unconditional love na naibibigay mo sa kanila at nila sa 'yo pabalik," lahad ni Jona.

.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page