top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

AUBREY, NANAKAWAN NG LUXURY BAG SA PARIS, RAMPA TO THE MAX PA RIN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 12, 2022
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | October 12, 2022


Nanakawan pala ng luxury bag ang dating sexy star na si Aubrey Miles habang namamasyal sa Paris. Kasalukuyang nasa Europe si Aubrey at ang mister na si Troy Montero para sa honeymoon nila.


Sa true lang, marami na ring Pinoy celebrities ang nabalita kahit dati pa na nabiktima ng mga kawatan sa Paris. Isa sa mga nanakawan doon na naaalala namin, if our memory serves us right, ay si Rosanna Roces.


And then recently, si former Manila Mayor Isko Moreno ang nagkaroon ng bad experience sa tinaguriang "City of Love".


Sa Instagram account ay ikinuwento ni Aubrey ang sinapit niya sa mga magnanakaw sa Paris.


“Kahit nanakawan ka sa Paris ng pick pockets, tuloy ang larga. Sa movies 'kala ko astig kayo pero sa totoong buhay, parusa kayo, mga BWISIT,” caption ni Aubrey sa kanyang IG post.


Itsinika ni Aubrey sa kanyang mga IG followers kung ano ang galawan ng mga mandurukot sa Paris.


“And they blend it. They dress up or pretend like a tourist. Daming attempt sa amin today.


Sinundan kami for 10 minutes again,” reply ni Aubrey sa isang netizen.


Pero sa kabila ng nangyari, ‘di nagmukmok si Aubrey pagkatapos manakawan sa Paris.


On her next IG post, idinedikeyt ni Aubrey sa mga mandurukot ang mga larawan niyang “buwis-buhay” ang pose during her photo shoot sa Paris.


“This photo shoot is dedicated to all the pickpockets in Paris dahil nakaka-trauma kayo para sa mga baguhang turista, you can't bring us down. Dahil d'yan, nagpa-photo shoot pa ako, langya kayo,” sarkastikong mensahe ni Aubrey.


Ayaw na lang daw niyang “mag-double sadness” at isipin pa ang nagnakaw ng kanyang Jacquemus bag.


Payo pa ni Aubrey sa mga pupunta sa Paris, “Hindi ka puwedeng puro arte-arte rito kasi mauubusan ka sa pickpocket, hahaha! Kailangan dito, alerto ka.”


‘Yun na!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page